Bola tuloy ang palabas kahit na-X!

PIK : Binigyan ng MTRCB ng X rating ang indie film na Bola ng R&B and Amazing Productions. 

Hindi ito inaprub ng MTRCB dahil sa mga mapangahas na eksena nina Arnel Ignacio at Kenneth Salva, lalo na ang frontal nudity ni Jacob Miller. 

Inayos pa ito sa MTRCB kahapon, at as of presstime nakikipagbuno pa sila sa mga naka-assign na magri-review. Pero confident si Direk Lem Lorca na maaa-aprub ito dahil narinig naman nilang pinuri ng mga reviewer ang naturang pelikula.

Kaya tuloy na tuloy daw ang showing nito nga­yong araw.

PAK: Naloka si Pauleen Luna nang mag-tren­ding sa ilang social network sites ang pagkahimatay niya sa Eat Bulaga kahapon. Marami ang nagulat nang bigla itong hinimatay habang nakasalang sa segment na Juan for All sa Davao.

Hindi nakayanan ni Pauleen ang sobrang init sa location at wala pa itong kain kaya hinimatay na ito. Pero naging isyu na baka buntis daw ito lalo na’t nagbiro pa si Vic Sotto na nagtanong kung hindi ba ito naghanap ng maasim. “Buntis agad? Hindi ba puwedeng hinimatay lang dahil sa gutom at sobrang init?” sagot sa amin ni Pauleen.

Ang isa pa raw na dahilan kung bakit ito hinimatay dahil sa meron daw itong tini-take na gamot na nainom niya kahit gutom siya. Pero okay na raw siya ngayon at sana raw hindi naulit iyun at baka lalo raw siyang matsismis na buntis.

BOOM: Magkikita ngayong araw sa tanggapan ni fiscal Jovie Calderon sina Annabelle Rama at Nadia Montenegro para sa rejoinder ng kasong Child Abuse na isinampa sa huli. Parang mediation din daw iyun dahil susubukan pa ring mapag-ayos sila.

Sana mapigilan daw ang pag-init ng ulo ni Tita Annabelle at  baka hindi na naman ito makapagpigil, gagawa na naman ito ng eksena sa Justice Hall ng QC.

“Basta ang sa akin, ang katotohanan lang! Sana ilabas lang nila ang buong katotohanan, huwag ‘yung mga kasinungalingan!” tili ni Tita Annabelle.

Valentine’s Day lang yata ang pahinga nila dahil pagkatapos ng paghaharap nila sa QC Prosecutors Office, masusundan pa ito ng kasong Grave Coercion, Attempted Murder at Grave Oral Defamation na isinampa din ni Nadia laban kay Tita Annabelle.

Show comments