Dra Belo, gusto nang mahalin ang sarili

MANILA, Philippines - “On my way to Los Angeles for my first valentine alone. Maybe I’ll learn to love myself,” tweet kahapon ni Dra. Vicki Belo.

@quarklovesyou met me at the airport with beautiful roses and a big hug. I love the way my children know how to love me and nurture me,” dagdag niyang tweet kahapon na may kasama pa nilang picture na mag-ina.

Mukhang totohanan na nga ang hiwalayan nila ni Hayden Kho this time.

Vice Mayor ginagamit ang twitter para mag-promote ng session

Ang tiyagang mag-tweet ni Manila Vice Mayor Isko Moreno tungkol sa live streaming ng kanilang session. Lahat na yata nang pina-follow niya including Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Lea Salonga, at kung sinu-sino pa, may I tweet siya para nga i-promote ang kanilang session na siyempre ay siya ang presiding officer bilang siya ang vice mayor.

Naku bago sana i-promote ni Vice ang session nila, ayusin muna nila ang traffic at mga nakakadiring lugar sa Manila.

Sa Sta. Cruz area lang, ang dilim sa gabi at ang daming nakatira sa mga kalsada. At traffic, nakakalowka.

So bago sila magmalaki at magpa-pogi sa live streaming dahil bagong renovate rin ang session hall nila na ginastusan ng malaki, ayusin muna nila ang problema ng Manila.

Actually, hindi lang ako ang nakapansin nito. Maging ang ilang followers niya ang nagugulat sa pagpo-promote niya ang session nila. 

Show comments