Hindi naman si Anne Curtis mismo ang puntirya ng hinaing ni Lea Salonga sa nakikita niyang hindi makatuwirang pagsuporta ng publiko sa mga nagsi-singer-singeran at inaagawan pa ng career ang mga totoong singer na tulad niya.
Maaring may punto si Lea pero, matatalino na ang mga manonood ngayon. Hindi na sila puwedeng maturuan kung ano ang gusto nilang panoorin.
Pero hindi ko rin naman maitatatwa ang pangyayaring maraming non-singers ang pinanonood ng tao, hindi dahil gusto nilang marinig silang kumanta dahil ipinauubaya nila ito sa mga guest nilang tunay na singer. Gusto nilang masiyahan sa mga gagawin ng mga ito sa sinasabing concerts nila. Usually naman, they go home happy and satisfied.
Ito ang dahilan kung bakit maraming totoong singer at concert artist ang nahihirapan magbenta ng tiket para sa kanilang mga palabas.
This is not to say na hindi na pinanonood ng tao ang mga seryosong concerts na tulad ng mga ginagawa niya (Lea). Nanonood din sila, ‘yun nga lang ang konsyerto nila ay kailangang naiiba rin.
Nakakahinayang na relasyon!
Nanghihinayang naman ako sa kinahinatnan ng relasyong Vicki Belo at Hayden Kho. Ang dami na nilang pinagdaanang pagsubok kasama na ang pagtatanggol sa guwapong gumagawa ng mga pabango ng magaling na doktora laban sa mga kumukondena rito simula nung lumabas ang mga sex video nito, hindi lamang sa maraming tao kundi maging sa kanyang sariling pamilya.
Kung totoo ang akusasyon niya, isang babae lamang ba ang sisira ng kanilang relasyon, isang babae na itinatanggi ang kanyang pagbibintang at paghihinala sa pamamagitan ng pagsasabing maligaya ito sa buhay may asawa at sa piling ng kanyang kambal na anak.