^

PSN Showbiz

Katrina 'di pa nakaka-move on kay Hayden!

RATED A - Aster Amoyo -

Tila hindi pa rin nakakapag-move on hanggang ngayon si Katrina Halili sa eskandalong kanyang kinasangkutan with Hayden Kho, Jr. Mas naka-recover na si Hayden kumpara sa kanya kahit nawalan ito ng lisensiya sa kanyang pagka-doctor na hanggang nga­yon ay kanya pa ring inaapela. Sa halip na magpatuloy siya sa pagiging sarcastic kapag si Hayden ang nababanggit sa kanya, sana huwag na lamang siya magkomento dahil sa kanya rin bumabalik ang kanyang mga binibitawang salita.

Ibang-iba si Maricar Re­yes kay Katrina. Kahit pa­reho silang naging ‘biktima’ sa video scandal with Hayden, nanatiling tikom ang kanyang bibig. Wala siyang binitawang salita na may kinalaman sa iskandalong kanilang kanasangkutan na nakabuti naman sa kanya. Sa halip na magpatuloy ang kanyang pagiging bitter, dapat makapag-move on na si Katrina at mag-focus na lamang sa kanyang career na siyang nag-suffer after the scandal.

John Lloyd at Angel umaasang  magkakasama uli

Nangangamoy box-office hit na naman ang unang tambalan sa pelikula nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin under Star Cinema, ang Unofficially Yours kung movie trailer pa lamang ang pagbabasehan. Kapwa nagsasabi sina JLC at Angel na kakaiba ito sa lahat ng mga pelikulang nagawa na nila.

Napaka-smooth sailing ng working relationship nina JLC at Angel sa first movie nila together dahil pareho na silang komportable sa isa’t isa matapos nilang magtambal sa hit fantaserye na Imortal.

Parehong maganda ang description ng dalawang lead stars para sa isa’t isa at umaasa sila na muli silang magkakatambal in the future kung hindi man sa pelikula, sa telebisyon uli.

ANGEL LOCSIN

HAYDEN

HAYDEN KHO

IBANG

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

KATRINA HALILI

MARICAR RE

STAR CINEMA

UNOFFICIALLY YOURS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with