^

PSN Showbiz

'Di pa kaya ang teleserye, Regine feel nang gumawa ng sitcom

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Ang mash-up ng mga kantang Moves Like Jagger ng Maroon 5 at Without You ni Usher ang opening number nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa kanilang Mr. & Mrs. A Valentine concert bukas, sa Smart Araneta Coliseum.

Happy si Regine sa balitang sold out ang mga tickets sa concert at pati ang bagong section ay pahirapan ng tiket. Open siyang magkaroon ng repeat ang concert na ang original plan ay two nights talaga, hindi niya alam kung bakit na­ging one night na lang. Feeling ni Songbird, na-miss siya ng fans at gusto siyang mapanood sa concert.

Samantala, nag-trending sa Twitter ang guesting ni Regine sa Boy Pick-Up segment ng Bubble Gang bilang si Reynang B na nakipagbatuhan ng pick-up lines kay Boy Pick-Up. Lalo tuloy gusto nitong gumawa ng sitcom habang hindi pa niya kayang mag-soap.  

Dingdong na-pressure ni Ogie na kumanta

Nakita namin si Dingdong Dantes sa rehearsal ng duet nila ni Ogie Alcasid sa guesting niya sa Mr. & Mrs. A concert bukas. Medley ng Eraserheads ang ka­kantahin ng dalawa. Pressured siya dahil sa Smart Araneta Coliseum siya kakanta.

Ipinakita ni Dingdong ang kuha niya sa cell phone niya ng eksena sa My Beloved na kinunan sa Quezon, kung saan, isang malaking bus ang nahulog mula sa cliff. Ang ganda ng kuha ni Direk Dominic Za­pata sa eksena, ’di lang namin alam kung sa pilot mamaya ng soap nila ni Marian Rivera na mapapanood ang nasabing eksena.

Excited na si Dingdong sa My Beloved na mapapanood after Biritera at nagbirong ang nahulog na bus ang isa sa mga investment ng GMA 7 sa soap. Happy itong napasama sa telebabad ng network ang soap nila ni Marian dahil ang ganda ng telebabad block mula sa hapon hanggang gabi, matataas ang ratings.

  Papel nina Arlan at Benjie ang ginagampanan ni Dingdong sa soap at bilang si Arlan, mahaba ang hair niya na 20 minutes ikinabakit. Nakikita rin niyang excited si Marian sa My Beloved at positive silang susuportahan ito ng mga fans nila.     

Jonalyn nali-link sa tisoy na singer

Ilang interview pa siguro bago namin makabisado ang mga names ng seven members ng Down to Mars dahil hindi Pinoy sounding at walang pure Pinoy sa kanila. May half-Korean, half-Japanese, at half-Chinese ang members at ang tumatak pa lang sa amin ay si Daiskuke na marami ang may crush.

Nagmarka rin sa amin si Kenji dahil sa condominium nila sa Caloocan nakatira ang Down to Mars. Si Yheen dahil tahimik at si Jang dahil crush si Jonalyn Viray. Pinaka-excited ito sa One Love concert nila sa Metrobar sa Feb. 15 dahil kasama nila si Jonalyn, kaya tinutukso ng mga kasama.

Ipinarinig ng grupo ang ilang cuts sa upcoming album nila na sila rin ang nag-compose. Gusto namin lahat ng songs na may title na Oooh, Ooh, Cloud 9, at My Everything. Sa Korea kukunan ni Direk Treb Monteras ang music video ng grupo na under contract sa GMA Artist Center (GMAAC).

Vic nag-effort na i-record uli ang theme song na Valiente

Pilot ng Valiente mamayang gabi at obvious na special ang remake ng te­leserye sa TV5 dahil pumayag si Vic Sotto na muling kantahin ang theme song nito. Nag-effort pa itong i-record uli ang theme song, kaya bagong interpretation ng song ang mapapanood ng mga viewers.

   Isa ang Valiente sa biggest teleserye ng Archangel Media at TV5 dahil rent pa lang sa Leviste Farm ay P75,000 a day na at may dagdag na P5,000 ’pag gagamit ng isang kabayo. Minsan, maraming kabayo ang kailangan sa eksena at dagdag na bayad ’yun sa mga producers. 

BOY PICK-UP

DAHIL

MRS. A

MY BELOVED

NILA

OGIE ALCASID

SMART ARANETA COLISEUM

VALIENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with