Kris at James magkokontrahan sa pag-ampon kay Bimby

Kung kailan naman aampunin na ni Kris Aqui­no ang dalawa niyang anak na sina Joshua at Baby James o Bimby para maging legal niyang maging anak at saka pa nagsalita ang ama ng huli na si James Yap na gawin ding legal ang pagiging ama niya sa bata. ’Di kaya sila magkaroon ng conflict ni Kris dahil dito?

Yan ang mahirap sa mga nagpapa-annul, lu­malabas tuloy illegitimate ang mga anak nila kaya para maging legal at maprotektahan ang kayamanan nila in the future ng mga anak, kailangan pang ampunin nila ang mga ito.

Marian naimpluwensiyahan ni Dingdong

Hindi lamang si Dingdong Dantes at Ninong Manny Pacquiao ang bu­kam­bibig ang pagpupuri sa Panginoon kundi maging si Marian Rivera na rin. Ang boy­friend niyang si Dong ang naglapit sa kanya sa Diyos. Siya ngayon ang sentro ng kanilang relasyon.

Kung dati ay mataray ang aktres at palaban, hindi na ngayon. Mahaba na ang kanyang pasensiya niya at binabati na ang mga kagalit niya. Si Dingdong ang nag­payo sa kanya na sa halip na magtanim sila ng galit ay magpasalamat na lamang sila sa rami ng biyayang tinatanggap nila. Amen.

Concert nina Jose at Wally lamang sa pagpapatawa

Marami ang magko-concert ngayong Valentine’s Day and thankful na hindi sila tinapatan ng Dabarkads duo na sina Jose Manalo at Wally Bayola na may concert sa March. Ang bilis nang bentahan ng tiket ng dalawa na sa Marso pa magaganap kumpara sa mga shows na sa Araw ng mga Puso mismo.

Para nga mapabilis ang bentahan ng tiket ng mga ibang shows, tinambakan na ng maraming guests. Ang nakakalimutan nila ay hindi lamang kantahan ang alok nina Jose at Wally kundi isang palabas na puno ng katatawanan. Ang hirap ng buhay ngayon. Kailangan natin ang tumawa para makalimutan natin ang problema natin kahit pansamantala.

Show comments