Aktres dinededma ng home network ang renewal kaya baka matuloy na ang paglipat

PIK: Nangako si Marian Rivera na kung talagang may plano na sila ni Dingdong Dantes na magpakasal, kaagad na i-announce nila ito sa publiko.

Pero talagang pinagdiinan niyang wala pa talaga silang plano ni Dingdong at ini-enjoy lang muna nila ang kanilang relasyon.

Wala ring engagement pero may singsing na nairegalo sa kanya si Ding­dong.

Malamang magkakaroon ng mga developments kapag patuloy nilang tini-tape ang My Beloved.

Kasisimula pa lamang ito at inspired silang dalawa sa taping nito dahil lagi silang magkasama.

Hindi nga nagkakasawaan, sa halip lalo na pa raw silang naging malapit sa isa’t isa.

Makikita naman sa My Beloved na magsisimula na mamayang gabi sa GMA Telebabad.

PAK: Totoo kayang hindi pa niri-renew ang kontrata ng isang magandang aktres sa mother studio niya?

Kahit napapabalita nang kinukuha ito ng kalabang network, dedma pa rin sila kaya mukhang matutuloy na ang paglipat nito.

Malapit na nating mabalitaan dahil inaayos na ang pirmahan. Pero malay natin, baka mapigilan pa at doon na siya papirmahin ng renewal.

BOOM: Nagsalita na si Nancy Castiglione sa Startalk nung nakaraang Sabado at mariin nitong itinatanggi na walang namamagitan sa kanila ni Hayden Kho, Jr.

Nandito ang asawa niya at happily married sila kaya malabo ang tsismis sa kanila ng dyowa ni Dr. Vicki Belo.   

Pero pinagdiinan ng doktora na totoo ang nasagap niyang tsismis kaya nagbigay ito ng statement sa Startalk na it’s over na sa kanila ni Hayden at hindi na kailangang mag-hiding-hiding sina Hayden at Nancy.

Walang maisasagot si Nancy tungkol sa bago niyang isyu dahil hindi niya alam kung saan nagsimula ang ganung tsismis na wala talagang katotohanan, sabi niya.

As of press time, sinabi nitong baka hindi na matutuloy ang Valentine date nila ng fiancé.

Show comments