^

PSN Showbiz

Kinumpirma ng doktora: Vicki at Hayden hiwalay na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

I stand corrected. Kagabi at hindi ngayon ang US trip ni Dr. Vicki Belo. Umalis si Mama Vicki sa gitna ng nagbabagang isyu na hiwalay na sila ni Hayden Kho, Jr. dahil kay Nancy Castiglione.

Hindi nagpainterbyu si Mama Vicki sa kahit sinong reporter o talk show pero sinabi niya sa Startalk sa pamamagitan ni Butch Francisco na hiwalay na sila with matching appeal na huwag ko nang atakihin si Hayden.

In fairness to me, matagal ko nang hindi inaatake si Hayden ha? Kadalasan, column title lang ang binabasa ng mga personalidad at super react sila, kahit hindi nila nababasa ang kabuuan ng article. Mas nauuna ang pagmamalisya kesehodang column title lamang ang nababasa nila.

Nancy umatras na ma-interview, natakot?

Nagpainterbyu si Nancy sa Startalk via phone-patch at siyempre, nag-deny siya na may namamagitan sa kanila ni Hayden.

Ang sey ni Nancy, misunderstanding lamang ang nangyari pero hindi niya sinagot ang tanong ni Papa Ricky Lo tungkol sa sighting na magkasama sila ni Hayden sa isang mall sa Makati City. Ang kuwento, tumatakbo ang dalawa dahil umuulan at para hindi mabasa si Nancy, ginamit ni Hayden ang jacket na bitbit nito bilang proteksiyon.

Maraming beses din na nakita sina Nancy at Hayden sa isang lugar sa Salcedo Village, Makati City. May kuwento pa na magkasama sila sa Relic, isang bagong open na bar sa The Fort.

Nagtataka lang ako dahil na-cancel kahapon ang phone-patch interview kay Nancy ng Showbiz Central, gayong nag-confirm siya. Na-afraid kaya si Nancy sa mga itatanong sa kanya?

Ininterbyu ako ng Showbiz Central tungkol sa break-up nina Mama Vicki at Hayden pero hindi naipalabas kahapon dahil nag-back out nga si Nancy sa phone-patch interview sa kanya. Sayang, maganda pa naman ang mga sinabi ko sa interbyu sa akin ng Showbiz Central.

Pinoy singers apektado sa pagkamatay ni Whitney

Ang aga-aga ko na nakatanggap ng phone call kahapon mula kay Ricky Lo dahil ibinalita nito na natsugi na si Whitney Houston.

Siyempre, nalungkot ako sa bad news pero hindi naman ako sobrang affected dahil hindi ko naman masyadong favorite singer si Whitney. Dalawa lang ang American singers na paborito ko, sina Kenny Rogers at Andy Williams.

Marami sa mga Pinoy fans ni Whitney ang nalungkot sa kanyang maagang pagkamatay. I’m sure, marami sa mga local singers natin ang affected dahil favorite nila ang black pop-soul singer. Sina Regine Velasquez at Charice ang ilan sa mga Pinoy singers na open sa pag-amin na hinahangaan nila si Whitney.

Ogie at Regine masipag mag-iikot

Nakabibilib ang mag-asawang Regine at Ogie Alcasid dahil ang sipag-sipag nila sa pag-promote ng Mr. & Mrs. A., ang Valentine’s Day concert nila sa Smart Araneta Coliseum.

Nag-promote sina Ogie at Regine sa halos lahat ng mga programa ng Kapuso Network, sa Bubble Gang, Eat Bulaga, Party Pilipinas, at Showbiz Central.

Kahit sold out na ang tickets ng kanilang concert, hindi nakuntento at naging komportable ang magdyo­wa dahil super remind sila sa public na panoorin ang Mr. & Mrs. A.

DAHIL

HAYDEN

MAKATI CITY

MAMA VICKI

MRS. A

NANCY

PINOY

RICKY LO

SHOWBIZ CENTRAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with