May ilang nakapag-kuwento tungkol sa sikat na aktres na may maamong mukha.
Gaano katotoo na ang aktres ay hindi pala kagandahan ang pag-uugali lalo na sa ama niyang bago namatay ay may kimkim na sama ng loob sa kanya?
Napaismid ang isang reporter nang sabihin namin na kapag iniinterbyu ito ay umiiyak pa at sinabing nami-miss ang tatay.
‘‘Kyems, ’di totoo ’yan! Sa totoong buhay ay iba ang ipinakikita niya sa yumaong ama,’’ tigas na sabi ng reporter.
Ynna pinagseselosan pa rin si Jennylyn
Apat na taon na ang relasyon nina Ynna Asistio at Mark Herras at sa darating na Valentine’s Day ay wala silang special date.
‘‘As usual, sa bahay lang kami magdi-dinner kasama ang aming pamilya. Siguro kaya nagtagal ang aming relasyon ni Mark ay dahil sa trust and communication. Pero aaminin ko na minsan nagseselos ako kay Jennylyn Mercado,” pag-ako pa ng young actress.
Kasama si Ynna sa My Beloved simula sa Feb. 13 na siyang papalit sa Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown, sa direksiyon ni Dominic Zapata.
Sa rami ng trabaho, Jake nakaka-move on na
Unti-unti nang nakaka-move-on si Jake Vargas sa pangungulila sa yumaong ina. Malaking tulong ang kanyang trabaho dahil lima ang show niya ngayon. Kasama siya sa Alice Bungisngis and Her Wonder Walis, Tween Hearts, Pepito Manaloto, Walang Tulugan with Master Showman, at Party Pilipinas. Nagsusyuting siya ng Kontrabida Girl kasama sina Rhian Ramos, Aljur Abrenica, at Bea Binene.