Grace lalayas na sa GMA
May tsikang lilipat sa TV5 si Grace Lee at kung totoo, hindi siya magkaka-problema at walang habol ang GMA 7 dahil last November pa pala nag-expire ang kontrata ng dalaga sa Ch. 7 ayon sa manager nitong si Arnold Vegafria Nasulat kasing nasita si Grace ng Ch. 7 management dahil nagpa-interview sa ABS-CBN, sabi ni Arnold, walang kontratang sinira ang talent niya dahil wala na nga itong kontrata sa Kapuso network.
Sa GMA News TV Channel lang may regular show si Grace at 24 Oras Weekend.
Anak ni LJ nangdadaklot ng boobs
Natawa kami sa kuwento ni LJ Reyes tungkol sa anak na si Aki nang makausap namin ang aktres sa presscon ng The Good Daughter. Kapag nagugutom daw ang bagets, dinadaklot ang boobs niya at gustong dumede. Thankful lang si LJ na sa bahay lang ito ginagawa ng anak at hindi sa labas.
Napansin lang pala namin na kung open si LJ sa pagkukuwento kay Aki, kabaligtaran niya si Paulo Avelino, ama ni Aki. Ang hirap pagsalitain ng aktor ‘pag tungkol sa anak ang tanong. Mabuti at naiintindihan siya ni LJ at para wala na lang sigurong isyu, hindi na rin masyadong nagkukuwento si LJ tungkol sa partner.
Proud daw siya na marami ang naseseksihan kay Paulo at sasabayan na niya ito dahil sa March, may sorpresa siya. Hindi nito maderetso kung cover uli siya sa FHM o ibang men’s magazine.
Back to school pala si LJ sa La Salle at tinatapos ang Economics course nito.
Tirso Cruz ginagaya ng anak para panindigan ang pagiging tomboy
Ang amang si Tirso Cruz III ang peg ni Djanin Cruz sa karakter niyang si Lucy, tomboyish friend ni Monica (Jennica Garcia). Ang payo ni Pip, kilos lalake agad at hindi kilos ng tomboy ang gawin niya para swak agad sa karakter niya.
Damit naman ng kuya niyang si Bodie Cruz ang gamit niya sa taping at pati ang jersey nito ay kinuha niya. First time ni Djanin na makasama sina Dingdong Dantes at Marian Rivera at “masaya” ang description niya sa aktres.
- Latest