Zanjoe insecure kay Bea

Ewan ko lang kung bakit insecure si Zanjoe Marudo sa kanyang girlfriend na si Bea Alonzo pagdating sa acting eh, magaling din naman siya.

Totoong nagsimula siyang hindi ganun kaga­ling pero nahasa siya sa pagdaan ng panahon kaya ngayon ay isa na siyang maipagkakapuri at matatawag na magaling na actor.

Pero baka naman nag-ugat ang fear ni Zanjoe na makatrabaho si Bea dahil meron na silang feelings sa isa’t isa and it will somehow manifest sa kanilang work.

Kung ganito nga, hindi ko siya masisi pero hindi ko tatanggapin na insecure siya sa GF dahil maga­ling ito.

Enrique Gil maso-solo si Kathryn

Dahil sa maganda niyang ipinakita sa Budoy may bagong assignment agad si Enrique Gil. Hindi na siya kontrabida kundi bida sa susunod niyang serye at ang makakapareha niya ay si Mara na siyang pinakasikat na karakter na ginampanan naman ni Kathryn Bernardo.

Awayan ng talent manager at writer dapat nang tigilan

Okay kapag mga artista ang nag-aaway-away. Hindi maiiwasan ito dahil competitive ang trabaho nila. Talagang pinagsasabong sila hindi lamang ng mga fans kundi ng mga movie productions at TV network nila.

Pero kapag hindi artista na tulad ng manunu­lat na si Dolly Anne Carvajal at PRO/talent mana­ger na si Shirley Kuan ang involved, dapat mas ma­daling resolbahan dahil puwede naman silang mag-usap. Tama na ‘yung usapin sa credibili­ty, pero ang dapat mamayani ay ‘yung malawak n’yong kaisipan. Hindi maganda ‘yung nag-aaway ka­yo. Pareho kayong iginagalang sa inyong fields of expertise, pag-usapan n’yo na lang sa halip na mag-away kayo in public. O kaya huwag n’yo nang pahabain. Pareho na lang kaya kayong manahimik. 

Show comments