Xian binibitin pa ni Kim sa Valentine

Kahit nagtapos na kamakailan ang teleseryeng My Binondo Girl ay patuloy pa rin ang suportang ibinibigay ng mga tagahanga ni Xian Lim sa kanya.

“I’m really thankful, ang daming sumusuporta, dami nila, lalo na ang mga online supporters. Thank you,” bungad ni Xian.

Ayon sa binata, ibang klase magmahal ang kanyang supporters dahil pinupuntahan siya kahit saan man siya naroroon. Laking pasasalamat din ni Xian dahil nag-click ang kanilang tambalan ni Kim Chiu kaya naging komportable na rin sila sa isa’t isa.

“Bilang love team kasi kung hindi ’yan komportable baka hindi ’yan mag-work. I’m really happy na we’re good friends, kulitan lang. Happy-happy lang,” paliwanag ng aktor.

Gusto ring iparamdam ni Xian kay Kim na espesyal ang dalaga para sa kanya.

“Gusto ko lang masaya siya parati. Ayoko namang mag-feeling na nanggagaling sa akin ’yung mga ngiti niya. Siyempre marami ring nangyayari sa buhay niya ngayon. Hindi ko naman alam kung kasali na ba ako dun sa mga pagngiti niya ’di ba?” dagdag pa ng binata.

Sino kaya ang makaka-date ni Xian sa nalalapit na Valentine’s Day? “Ang masasabi ko pa lang at this point, I’m planning to spend it with a special person. Wala pang confirmation,” nakangiting tsika ni Xian.

ReYalidad ng pre marital sex, ibinuko ni Direk Cathy!

Kontrobersiyal ang pelikulang Unofficially Yours nina John Loyd Cruz at Angel Locsin na mapapanood na sa Feb. 15 dahil sa tema nito. Ayon sa direktor nilang si Cathy Garcia Molina ay hindi naman nila pino-promote ang premarital sex, lalo na sa mga kabataang manonood.

“Lagi kong iniisip na maraming teenagers ang makakapanood ng pelikula. So I made sure na nilagay ko ’yung intimate scenes not for anything pero kasi kailangan ko sa kuwento. Nilagay ko ’yun hindi para sabihin sa young viewers na ito ang gawin ninyo. Nilagay ko ’yun kasi ’yun ang reyalidad. At the end of the movie, naniniwala pa rin ako dun sa regular type of relationship, ’yung traditional kind ng girlfriend-boyfriend,” paglilinaw ni Direk Cathy.

Maayos din ang pagkakagawa ng bed scenes nina John Lloyd at Angel sa nasabing pelikula.

“Very intimate ’yung love scenes kasi ako naman kapag gumagawa ng pelikula ang gusto ko laging ma-achieve dapat relatable. Ayaw na ayaw ko na may nagsasabi sa isang eksena na, hindi naman ’yan nangyayari sa totoong buhay. ’Yan ang inaayawan ko sa pelikula kaya lagi akong naka-base sa reyalidad, whether ikaw mismo ang naka-experience or sa kaibigan mo nangyari,” giit pa ni Direk Cathy.

Sinisiguro naman ng direktora na magugustuhan ng mga manonood ang kanilang ginawang romantic-comedy movie. “Hindi mo kasi titingnan as bastos. Parte lang talaga ng kuwento, rom-com talaga ’yung genre kasi matapang na ’yung kuwento, so, kapag sineryoso mo ’yung treatment baka ma-alienate naman ang viewers,” paliwanag pa ng direktor. Marahil ay ito na rin ang pinaka-challenging role na ginampanan nina John Lloyd at Angel.  — Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments