Angelito isang oras nang mapapanood

MANILA, Philippines - Talagang nakatutok na ang sambayanan sa makulay na buhay ng batang ama na si Angelito (JM De Guzman) kaya naman bilang tugon sa isinisigaw ng fans ay mapapanood na ang Angelito: Batang Ama sa loob ng isang oras sa bago at mas kumikinang na Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Mas lalong kakapit ang mga manonood sa mga darating na linggo lalo pa’t umiinit na ang banggaan para sa karapatan bilang magulang nina Angelito at Rosalie (Charee Pineda). Titindi pa ang hanga­rin ni Rosalie na makuha si Jun Jun (Joshen Bernardo) matapos malagay sa alanganin ang buhay ng bata habang nasa pangangalaga ni Angelito. Tuluyan na nga bang mabubuwag ang pamilya ni Angelito? Hanggang saan niya paninindigan ang pagi­ging ama kay Jun Jun? Walang bibitiw sa pinag-uusapang serye tuwing hapon, ang Ange­lito: Batang Ama, 3:15 PM pagkatapos ng Mundo Man ay Magunaw sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Sundan ang programa sa Twitter via @Batang_Ama, Facebook (www.facebook.com/AngelitoBatang­Ama), at YouTube (www.youtube.com/AngelitoBatangAma).  

Show comments