MANILA, Philippines - Nagkaroon ng induction of officers ang Aliw Awards Foundation, Inc. (AAFI) kamakailan na pinangunahan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte (ika-tatlo mula kaliwa) sa kanyang opisina. Makikita sa larawan (mula kaliwa) sina Francia Conrado, treasurer; Alice H. Reyes, president; Junne Quintana, 1st VP; at bagong members na sina Tess A. Tan at Sylvia H. Cruz.
Ang AAFI ay ang una at nag-iisang private, non-stock, at non-profit organization na nagbibigay ng recognition sa galing ng lahat ng mga Filipino entertainers na nagpe-perform ng live (singer, emcee, actor, comedian, instrumentalist, band, at poetry readers).