MANILA, Philippines - Sa panlabas na kaanyuan ng mga estudyanteng miyembro ng bandang CMajor7 ay mistulang mga nerd o bookish sila pero ang passion nila talaga ay music — musika na pinaghalong wholesome na pop rock at classical. Pero academically and artistically, hindi nauubusan ng creative juices ang mga bagets.
Ang self-titled debut album nila ay nagre-reflect sa mga traditional Filipino values. Ang kantang Pandesal, halimbawa, ay isang original composition ng 17-year-old lead singer na si Melchora “Bobbie” Mabilog na ibinibida ang pambansang Pinoy breakfast.
Ang Pinoy Idol, ay sinulat ng singer-keyboard player na si Joseph “Brad” Mabilog, Jr., bilang pagsaludo sa lahat ng Pinoy. Maririnig dito ang rap skills ng bassist na si Angelo “Gelo” Cristobal at ni Josh Mabilog, ang younger brother ni Bobbie na keyboardist din.
Ang CMajor7 ay nakatugtog na sa RJ Bistro sa Hotel Dusit sa Makati City at nakapag-radio and TV appearances na rin. Nakatanggap na rin ng special citation ang CMajor7 noong October 2011 sa 33rd Catholic Mass Media Award (CMMA). “Reflecting the CMMA ideals through young talents” ang dahilan ng CMMA at ka-back-to-back ng banda ang singer-composer-comedian na si Ogie Alcasid sa best secular album category.
Ang CMajor7 ay naghahanda para sa Valentine Prom show sa Feb. 17 sa Dusit Thani Hotel. Iparirinig ng banda ang kanilang Love Song Collection album sasamahan pa ng ilang love hits mula ’60s hanggang sa mga kontemporaryong kanta ngayon.
Kasama rin sa banda sina Nico Evangelista (lead guitarist, composer, vocals), Maria “Maane” Isidro (percussions), at Jay-Jay Flores (rhythms, vocals).
Para sa Valentine Prom ticket, i-text o tawagan na lang si Jay sa 0906-2469133 o 0921-5042105.