Iza natatakot sa selos ni Bea!

Hindi ko naman malaman kung bakit nagbibigay ng alalahanin kay Iza Calzado ang pagsasama nila ni Zanjoe Marudo sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya. I’m sure naman na may tiwala si Bea Alonzo hindi lamang sa kanyang boyfriend kundi maging sa kanya, at wala itong dapat ika-insecure sa unang pagtatambal nila. It’s as if naman na aagawin niya si Zanjoe, gayong magtatambal lang naman sila.

Kung si Iza ay nag-aalala, kampante naman si Zanjoe na naiintindihan na ng girlfriend ang trabaho niya. Hindi na magseselos dahil malaki ang tiwala nito sa kanya. Sa trabaho nila hindi na sila kailangang magpaliwanagan pa, alam na nila ang extent ng trabaho nila.

Gabby hindi pa rin nakikipagkita sa anak

Kailan kaya magkikita’t magkakakilala ang mag-amang Gabby Concepcion at Cloie Syquia? Nadagdag na ang apelyido ng kanyang stepfather na Skarne simula nang magpakasal ito at ang kanyang inang si Jenny Syquia.

Marami ang hindi nakakaalam na habang sinusulat ito ay hindi pa nakikita ni Cloie ang kanyang ama. HuIi silang nagkita nung dalawang taon lamang siya. Excited siya sa kanilang pagkikita pero ipinauubaya niya sa panahon at pagkakataon kung kailan ito mangyayari.

LJ hindi nai-insecure kay Paulo

Maganda ang desisyon ni LJ Reyes na tapusin ang kanyang pag-aaral. kahit hindi siya nawawalan ng trabaho sa Kapuso Network, iba na ’yung may natapos na pag-aaral.

Hindi lamang niya ito ginagawa para sa kanyang sarili kundi para makatiyak ng isang magandang kinabukasan para sa kanyang anak na si Aki.

Bagama’t hindi naman tinatalikdan ni Paulo Avelino ang responsibilidad sa kanilang anak, mas preferred niyang maging independent, habang bata pa siya at maganda ang takbo ng kanyang career.

Ang maganda kay LJ, mukhang nakabuti pa ang pagkakaroon niya ng anak. Bukod sa pina-mature nito ang kanyang pangangatawan, pinalawak pa nito ang kanyang kaisipan. Sa halip na ma-insecure sa ginawang paglipat sa kabila ni Paulo at pagtanggap ng mga sexy at daring roles, natutuwa siya na mas maganda ang career nito ngayon.

Papa Chen sinamantala habang mainit pa

Mabuti naman at hindi na pinagtagal ng ABS-CBN ang pagbibigay ng assignment kay Richard Yap, Papa Chen sa My Binondo Girl. Afraid ako na baka tuluyan nang lumamig ang naging mainit na pagtanggap sa kanya ng mga manonood, eh sayang naman dahil bukod sa may pigura ito ay marunong namang umarte. You should hear him sing. He can give many of our male singers, even the more popular ones, a run for their money.

Eto at kasama na pala sa teleserye si Richard nina Kris Aquino, Anne Curtis, Robin Padilla at Xyriel Manabat na Kailangan Ko’y Ikaw.

Show comments