PIK: Marami ang nagulat sa malaking pagbabago ngayon ni Rep. Manny Pacquiao pagkatapos nitong maging devout Christian at nakahiligan ang pagbabasa ng Bibliya.
Nilinaw naman ng ating Pambansang Kamao na Katoliko pa rin siya pero Christian-Catholic siya.
Pero halos kabisado na nito ang Bible at sinasabi nga niyang hindi lang ito kinakabisado kundi isinasapuso pa niya.
Natutuwa siya dahil nakikita niyang masaya si Jinkee Pacquiao sa malaking pagbabago sa kanya.
Mensahe ni Manny kay Jinkee: “Para sa asawa ko, unang-una sorry sa lahat ng mga nagawa ko noon pero like what I told you, the old Manny Pacquiao is gone. And the new Manny Pacquiao has come.
“I hope masaya ka palagi ngayon at ’yun naman ang ginagawa ko at siyempre kailangan nating laging magdasal at magtiwala sa Panginoon.”
PAK: Dalawang bus na ang inihulog ng bagong drama series ng GMA 7 na My Beloved, para maging makatotohanan lang ito.
Ang laki na nga nang nagagastos ng GMA 7 dahil bukod sa mga nasayang na mga eksenang nakunan nila noon kay Rhian Ramos, matindi rin ang mga eksenang kinunan ngayon.
Ang laki ng expectations ng GMA 7 sa bagong seryeng ito nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, dahil malaki ang kumpiyansa nilang magiging number one ito sa primetime.
Sa Lunes na ito magsisimula sa GMA telebabad.
BOOM: Hindi na maitago ng manager ni Claudine Barretto na si Shirley Kuan ang galit kay Dolly Anne Carvajal dahil sa inilabas nitong kuwentong pag-walk out diumano ni Carmina Villarroel sa commercial shoot na pinagsamahan ng dalawa.
Itinanggi na ito ni Carmina at naglabas na rin ng statement ang ad agency na gumawa ng commercial nila tatlong taon na raw ang nakararaan. Pero patuloy pa rin sa paglabas si Dolly Anne ng kuwentong ito sa kanyang column at pinanindigan pa ang kanyang kuwento.
Nasa Europe pa si Claudine kasama si Raymart Santiago at ayaw na niyang makaabala ito sa kanyang alaga dahil hindi naman siya kailangang magpaapekto.