Ngayon they are saying na hindi naman siya kawalan sa programa. Bakit naman? Nung nandun naman siya, she gave her best, kuntento naman sila sa trabaho.
Nag-asawa lang siya, sumama na ang imahe niya at maging siya sa kanila?
Grace Lee walang k magka-PSG
Hindi pa first lady si Grace Lee kaya hindi pa ito dapat alukan ng Presidential Security Group (PSG) ni P-Noy na ikina-react ng hindi maganda ng marami. Hamo nang samantalahin ng Koreana ang interes ng mga Pilipino. After all, hindi lahat ng na-link sa kanya ay ina-acknowledge ng pangulo.
Ibig sabihin lang ay espesyal ang TV host at pinuputakti ito ng madla kaya siya naalok ng proteksiyon ng PSG ni P-Noy.
He would have realized it sooner or later na kung ayaw niyang dinudumog ang babaeng nali-link sa kanya, gawin niyang napakapribado ng kanyang panliligaw. Huwag ’yung pati ang pagbeso-beso niya sa Koreana ay naging front page ng halos lahat ng mga babasahin sa bansa.