Pumalo ang ABS-CBN sa average household audience share na 41.2% nationwide kontra 32.1% sa primetime (6:00 p.m. – 12:00 m.n.) base sa pinakahuling datos ng Kantar Media na may national sample na 1,389 homes at 8,015 individuals na siyang kumakatawan na sa buong populasyon ng mga manonood sa bansa.
Namayagpag ding muli ang mga Kapamilya programs sa talaan ng pinakapinapanood na mga programa sa bansa noong nakaraang buwan matapos nitong makuha ang unang walong puwesto sa top ten.
Nangunguna sa listahan ang Walang Hanggan (29.6%) na sinusundan ng Budoy at Ikaw ay Pag-ibig na parehong may average national TV rating na 29.4%, My Binondo Girl (28.2%), MMK (27.5%), E-Boy (27.2%), TV Patrol (26.3%), Nasaan Ka, Elisa? (24.4%), at Rated K (21.8%) na nasa ika-sampung puwesto.
Nakapagtala ang ABS-CBN sa unang siyam na buwan ng 2011 ng net income na P2.2 billion, mas mataas kumpara sa P1.58 billion na net income lamang ng inireport na kinita ng GMA Network para sa parehong panahon.