Marian nagulantang nang makita, mga staff ng Amaya naglipatan lahat sa TV5

Hindi naman pala totoong nakilala ng international singer na dumating at nag-taping sa bansa para sa kanyang first acting assignment na si David Archuleta si Marian Rivera. Paano mangyayari ‘yun eh mismong si Marian ang nagsabi na hindi naman sila nagkita ni David.

Kasi nang dalawin niya si Direk Mac Alejandre sa taping ng Nandito Ako, hindi na siya nag-create ng ingay para hindi na makaistorbo sa taping.

“Kasi tini-text ako ni Direk Mac (dati niyang director sa Amaya na lumipat sa TV5 at director ngayon ng Nandito Ako). Tinatanong niya ako kung kailan ko siya dadalawin. So sabi ko basta magka-oras lang ako, dadaan ako. One time tini-text nila ako na nasa Pasig sila. Dumaan ako pero hindi na kami nagkita ni David,” recalled Marian sa presscon ng My Beloved the other night.

Pero gulat na gulat siya na lahat ng mga kasama niya sa Amaya, kasama ni Direk Mac na lumipat sa TV5. 

Grabe, so hindi lang mga artista ng GMA 7 ang nag-aalisan, pati mga staff?

Anyway, bagay na bagay kay Marian ang bagong hitsura. Mas mukha siyang bata at fresh sa My Beloved.

James umiwas ma-interview

Wala si James Yap sa ipinatawag na presscon ng AKTV para sa opening ng PBA (Philippine Basketball Association) kung saan may representative ang lahat ng team.

Last minute ay nag-back out daw si James at nagpasabi na meron pala siyang appointment. Ang duda ng mga nag-attend sinadya nitong hindi mag-apir para makaiwas sa maraming isyu tungkol sa kakatapos na annulment nila ng asawang si Kris Aquino kung saan sinasabing malaki ang nakuha niyang share sa hatian nila ng properties ng dating asawa.

Sigurado ring itatanong ang status ng relasyon nila ni Isabel Oli na marami na ang nakakakita na parati silang magkasama.

Anyway, dahil wala si James naka-tsika namin ang player na si Mac Mac Cardona ng Meralco Bolts. Minsan na ring nag-showbiz si Mac Mac. Tinulungan siya noon ng nasirang si Tito Douglas Quijano at nakalabas siya sa ibang show ng GMA 7. Pero wala raw talaga siyang hilig.

Pero wala siyang naging girlfriend na artista kaya tinanong na lang namin kung sinong crush niya. “Si Anne Curtis. Natatawa ako sa kanya, parang down to earth,” sabi ni Mac Mac.

Pero hindi pa niya personal na nakikilala si Anne. “Minsan nakita ko siya pero hindi kami personal na magkakakilala. Ina-admire ko lang siya,” pagka-klaro niya.

Naaaliw daw siya tuwing kakanta si Anne. “Trying hard siya pero nakakatawa,” dagdag ng pambato ng Meralco Bolts.

May girlfriend siyang non showbiz.

Anyway, magbubukas na ang PBA Season 37 Commissioner’s Cup sa February 10, Friday sa Smart Araneta Coliseum na Kampihan Na ang bagong battlecry.

Ayon sa PBA, tumaas ang ticket sales, kumita ang league ng tumataginting na P39 million gate sales at tumaas ng 3% mula sa kita last year at nalagpasan na ang budget nilang P36 million.

Sa AKTV (IBC) pa rin mapapanood ang PBA at nagsisilbi nilang marketing partner. At hindi lang daw kita ang tumaas sa PBA, humataw din sila sa rating particular na ang Game 7 duel between the Petron Blaze Boosters at ng Talk ‘N Text Tropang Texters noong January 18 na nakakuha ng average of 1.2 million viewers. [source: Nielsen Media, NUTAM]. 

 So may bagong kaagaw ang mga teleserye sa rating?

Gustong mamatay sa edad na 40, Vice ganda limang taon na lang gustong mabuhay

Kung ang ibang tao ay nagdarasal na humaba ang kanilang buhay, iba naman ang drama ng komed­yante-TV host na si Vice Ganda.

Gusto niyang mamatay sa edad na 40.

“Gusto ko nga mamatay na ako when I reached the age of 40,” sabi ni Vice sa isang interview na lumabas sa ABS-CBN.com.

Kilala raw na mahaba ang buhay ng kanyang angkan.

Last year at namatay ang kanyang lola.

Ayon sa Wikipedia, 35 years old na si Vice, so limang taon na lang niya gustong mabuhay?

Show comments