^

PSN Showbiz

Humataw sa rating, Startalk hindi natibag ng kalaban

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

For a change, hayaan ninyo na ipagyabang ko ang mataas na rating ng Startalk dahil kami ang No. 1 sa mga showbiz-oriented talk shows noong weekend. 

Ang Startalk TX ang nanguna sa ratings, pumangalawa ang Showbiz Central, No. 3 ang The Buzz, at pang-apat ang Showbiz Inside Report.

Kahit hindi pa lumalabas ang resulta ng ratings noong Lunes, alam ko na win ang Startalk dahil sa live ratings ek-ek sa aming studio. Alam namin kung alin ang segment na pinapanood at ang mga segments na hindi masyadong feel ng mga televiewers.

Sabado pa lang ng hapon, knows ko na tinalo ng Startalk ang aming kalaban na show dahil humataw ng todo ang computer ng live ratings sa live guesting nina Wally Bayola at Jose Manalo.

Sa loob ng labing-anim na taon, patuloy ang pamamayagpag sa ere ng Startalk. Kaya naman kahit na anong programang itapat dito ay hindi tumatagal sa ere at palaging natatalo sa ratings. 

Ayon sa datos na nagmula sa Nielsen TV Audience Measurement, noong nakaraang Sabado ay tinalo ng Startalk TX ang Showbiz Inside Report. 

Nakapagtala ang Startalk TX ng household audience share na 32.1% ra­ting habang ang kalaban na programa eh nakakuha lamang ng 21.6% base sa Mega Manila overnight ratings. 

Hindi na talaga matibag ang Startalk pagdating sa paghahatid ng mga maiinit at eksklusibong showbiz scoops at balita tuwing Sabado ng hapon.

LT superstar ang sunod na makakasama sa TV5

Paganda nang paganda ang mga eksena ng Glamorosa dahil mag­wawakas na ito bukas.

Alam na ni Natalia na anak niya si Giselle. The who si Natalia? Siya ang karak­ter ni Lorna Tolentino sa Glamorosa at si Giselle si Ritz Azul na gumaganap bilang anak ni Natalia.

Kahit matatapos na ang Glamorosa, sandali lamang ang pahinga ni LT dahil magiging busy na siya sa bagong project niya sa TV5 na hindi ko pa puwedeng i-announce. Hintayin na lang natin na manggaling ang announcement mula sa Kapatid network pero magbibigay ako ng clue, isang big star as in superstar ang makakatrabaho ni LT.

Dingdong super happy, araw-araw nakikita ang ‘beloved’

Sa isang malayong bayan ng Quezon Province ang taping kahapon ng My Beloved dahil doon kinunan ang death scene ng karakter na ginagampanan ni Marian Rivera.

Maraming death scene si Marian sa bagong primetime show nila ni Dingdong Dantes at siyempre, hindi ’yon matutuloy dahil siya ang lead actress ng My Beloved. Si Dingdong naman ang gumaganap bilang “sundo” ni Marian na very happy dahil halos araw-araw silang magkasama ng love of her life.

Tumagal ng siyam na buwan sa ere ang Amaya at kung si Marian ang tatanungin, type rin niya umabot ng nine months ang teleserye nila ni Dingdong.

Aminado si Marian na nahirapan ito sa taping ng Amaya kaya welcome na welcome sa kanya ang My Beloved dahil hindi dusa ang mga eksena nito.

Katrina tinotoo ang pagsabunot kay Marian

Si Katrina Halili ang kontrabida sa My Beloved. Una silang nagkasama ni Marian sa Marimar at nagkaroon pa ng mga isyu tungkol sa kanilang dalawa. Mga intriga na natapos dahil napag-usapan ng maayos.

Si Marian ang nagsabi na magkasundung-magkasundo na sila ni Katrina sa My Beloved. Past is past. Walang reason para intrigahin ang muling pagsasama nila ni Katrina sa isang primetime show.

Makatotohanan ang eksena na sinasabunutan ni Katrina si Marian dahil ito pa ang nagsabi na huwag mahiya sa pagsabunot sa kanya. Nag-worry kasi si Katrina na baka masaktan si Marian kung tototohanin niya ang pagsabunot.

DAHIL

GLAMOROSA

MARIAN

MY BELOVED

NATALIA

SABADO

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with