^

PSN Showbiz

'Lab Ko To' hahataw na ngayong Pebrero

-

MANILA, Philippines - Isang palabas na punung-puno ng romansa at pag-ibig ang handog ng Ballet Manila sa kanilang post-Valentine concert na pinamagatang Lab Ko ‘To. Ito’y itatanghal sa Pebrero 17, 18 at 19 sa Aliw Theater, CCP Complex, Pasay City.

Tampok sa Lab Ko ‘To ang mga piling sayaw, kabilang na ang bagong obra ng mga choreographers na sina Max Luna III, Augustus Damian at Manuel Molina, na pawang makikita sa kauna-unahang pagkakataon. Kasama rin ang classical favorite na Satanilla Pas De Deux (mula sa The Venetian Carnival), at isang bilang na may temang katutubo na pinamagatang Morions, gawa ng BM choreographer na si Gerardo Francisco na nagwagi na sa isang patimpalak sa ibang bansa.

And Lab Ko ‘To ay handog din ng Manila Broadcasting Company, Aliw Theater at Bellarocca, at sinuportahan ng Bank of Singapore at Star City, kasama ang Island Rose at Ralph’s Wine and Spirits.

“Taunan nang inaabangan ng mga tagasubaybay ng Ballet Manila ang pang­huling palabas ng aming season. Sa taong ito, bilang pagtatapos ng aming 16th season, makakaasa sila na mayroon na namang mag bagong putahe silang mapapanood na kanilang kagigiliwan,” wika ni Lisa Macuja-Elizalde, ang artistic director at principal dancer ng grupo.

Ang Alon ng Buwan ni Max Luna III ay isang modernong piyesa na humuhugot ng inspirasyon sa uri ng sayaw Pilipino na tinatawag na pangalay.

Gawa naman ni Augustus Damian ang The Last Poem, isang dance-drama, samantalang ang Buenos Aires ni Manuel Molina ay isinaliw naman sa musikang tango ni Piazolla.

Ang ticket para sa Lab Ko ‘To ay mabibili sa Ticketworld (891-9999; www.ticketworld.com.ph) o kaya sa SM Tickets ( 470-2222; www.smtickets.com). Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa Ballet Manila, 400-0292 o 525-5967, o kaya mag-email sa [email protected]

ALIW THEATER

AUGUSTUS DAMIAN

BALLET MANILA

BANK OF SINGAPORE

BUENOS AIRES

GERARDO FRANCISCO

ISLAND ROSE

LAB KO

MANUEL MOLINA

MAX LUNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with