Kababalik pa lamang ni Jake Cuenca sa bansa pagkatapos ng dalawang linggong taping niya sa Qatar para sa bagong teleserye nila nina Shaina Magdayao at Bangs Garcia.
Sangkot si Jake sa pag-iyak ni Melissa Ricks kamakailan sa backstage ng ASAP Rocks dahil sa ginawang pagtukso sa kanila ni Nikki Gil sa kanilang interview pagkatapos ng kanilang back-to-back birthday production numbers.
Nilinaw na Nikki noon na tinukso lamang niya sina Melissa at Jake dahil nakalagay iyon sa script ng nasabing programa.
“May tampo ako, may konting tampo, pero lumamig na ’yung ulo ko. Basta sa amin na manggagaling kung magkakaayos kami, hindi na sa TV. Maganda siguro kung magkakaayos kami in our time, in person, hindi ’yung pinilit dahil may camera sa harapan mo,” seryosong pahayag ni Jake.
Sinisikap naman ng aktor na makipag-ayos sa ex-girlfriend pero baka hindi pa ngayon ang tamang panahon.
Sa ngayon ay hindi muna pinagtutuunan ni Jake ng panahon ang pakikipagrelasyon.
John lloyd hindi nag-ingat kay Angel
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpaka-daring si John Loyd Cruz para sa isang proyekto. Malaki ang naitulong sa kanya ni Angel Locsin para gawin ang mga maiinit nilang eksena sa pelikulang Unofficially Yours.
“Nakatulong si Angel, very supportive and very open. Bilang isang leading man at meron kang kapareha na tulad ni Angel na very willing to cope with the sexy scenes. Wala kang mararamdaman na ‘Hey! Ingatan mo ’yan.’ Walang ganun.
“Malaking bagay ’yun sa akin kasi naging fluid ’yung motion, ’yung interaction namin. I just got lucky kasi hindi lahat kagaya niya,” paglalarawan ni John Lloyd kay Angel.
Naibahagi rin ng aktor na masaya siya sa relasyon nila ni Shaina Magdayao ngayon.
“Oo official na I’m in a relationship. Hindi lang ngayon. It’s official for quite some time already. Siguro ang mase-share ko for now, hanggang doon lang muna.”
Mapapanood na simula sa Feb. 15 ang Unofficially Yours in more than 100 theaters nationwide.
Reports from JAMES C. CANTOS