Kim hindi nararamdaman ang totoong panliligaw ni Xian

“Hindi naman kasi ako sigurado kung nililigawan niya ako. Mabait siya sa akin sa set, very thoughtful, mahilig magbigay ng regalo pero hindi ko alam kung alin dun ang ginagawa niya dahil gusto niya ako o dahil magkapareha kami. Kung nanliligaw siya, hindi ko nalaman dahil never siyang nagsabi ng ‘I love you,’” katuwiran ng maganda at magaling ng aktres na abala ngayon sa kanyang bagong pelikula kasama si Gov. Vilma Santos.

Intimidated si Kim sa beteranang aktres kahit ginagawa na nito ang lahat para mapalagay siya’t ’di mailang pero siyempre ang status nito ay sapat na para siya kabahan. Dagdagan mo pa ang pangyayaring si Chito Roño ang direktor ng pelikula nila at lalong kumakabog ang dibdb niya.

Sinabi ni Kim na walang paraan para magkita sila ni Xian. Kung siya ay abala sa The Healing, katatapos lang ng young actor ng My Cactus Heart kaya kuntento na sila na pa-text-text lamang. Maski na ang text nila ay maiikli lang, kamustahan, pero salat sa pagpapadama ng pag-ibig o kahit pagmamahal man lang ng lagpas sa kaibigan.

Sa kabila ng sinasabing ang pagpapareha nila ay hanggang camera lamang, malaki ang pag-asa ng mga tagasubaybay nila na baka sila pa rin in the end.

Kris SERYOSO SA MGA love scene NILA NI Robin Malakas lamang siguro ang loob ni Kris Aquino na sabihing payag siyang magkaroon ng torrid kissing scene kay Robin Padilla sa Kailangan Ko’y Ikaw dahil pang-TV lamang ito. How far nga naman can they go? Maaari pa kung pelikula ito, talagang masusubok kung gaano siya kaseryoso na gumawa ng mga intimate scenes. Takot niya lang mapanood ito ng kanyang mga anak, lalo na ni Bimby, na kahit sabihin niyang work lamang ang ginagawa niya ay mas papaniwalaan ng bagets ang nakikita ng mga mata.

Dati, bawal magkaroon ng halikan sina Kris at Binoe kapag may ginagawa silang project. Either may boyfriend si Kris at nang maglaon ay married na at na-annul naman recently.

Kahit nabalitang nagkaroon ng relasyon ang dalawa in the past, naka-move on na sila. Wala na silang nararamdaman para sa isa’t isa pero both admit na excited sila magtrabahong magkasama.

Show comments