^

PSN Showbiz

Angel ayaw makipag-one-night stand

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Maganda ang pananaw ni Angel Locsin pagdating sa pakikipag-relasyon. Sa presscon ng Unofficially Yours, sinabi niyang hindi siya pabor sa one-night stand lalo na kung hindi naman opisyal ang relasyon sa isang guy.

“Gusto ko magsimula muna sa love kesa sa lust. Gusto ko sa isang relasyon ay pairalin ang puso, ’yung may pagmamahal ang bawat isa,” sabi ng aktres.

Ang Unofficially Yours ay mapapanood sa 100 theaters nationwide simula Feb. 15 mula sa Star Cinema at sa direksiyon ni Cathy Garcia Molina.

Atty. Persida mabilis nakilala

May nagtatanong kung bakit mabilis na nakilala sa showbiz si Atty. Persida Acosta. 

Malaking tulong ang nagagawa ng kanyang programang Public Atorni: Asunto o Areglo na araw-araw na napapanood sa TV5.

 Maraming nakapuna sa pagbabago ng personalidad ni Atty. Persida kung saan kung papulbu-pulbo lang siya noon ngayon ay may make-up artist na siya at wardrobe consultant.

Sa kabila ng pagkakaroon nila ng asawang si Atty. Benedicto Acosta na napapanood sa Face to Face,  ng hectic schedule ay may quality time pa rin silang mag-asawa para sa pamilya.

Dalawa ang kanilang anak na babae, si Kyla Gethsemane na kumukuha ng kursong AB psychology at si Camila na 2nd year high school naman sa Diliman Preparatory School.

ANG UNOFFICIALLY YOURS

BENEDICTO ACOSTA

CATHY GARCIA MOLINA

DILIMAN PREPARATORY SCHOOL

KYLA GETHSEMANE

PERSIDA

PERSIDA ACOSTA

PUBLIC ATORNI

STAR CINEMA

UNOFFICIALLY YOURS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with