Kaya parehong galit kay Pauleen, Oyo at Danica umaasa sa balikan nina Vic at Dina

Kahit hindi nila sinasabi, wish ng magkapatid na Oyo Sotto at Danica Sotto-Pingris na makaraan ang mahabang taon ng paghihiwalay ay magkakabalikan pa rin ang mga magulang nila na sina Vic Sotto at Dina Bonne­vie. Parehong walang commitment ang dalawa sa kasalukuyan kaya si­guro at the back of their minds, ang pagkakaugnay ng kanilang ama kay Pauleen Luna ay magsisilbing hadlang sa pagkakaroon ng katuparan ng kanilang kahilingan, kaya ayaw aprubahan ni Oyo ang sinasabing relasyon ng dalawa.

Hindi ko naman masisi ang mga anak ni Bossing na hangaring magkabalikan ang kanilang mga magulang. Kahit magkahiwalay ang mga ito ay hin­­di naman nawala ang kanilang pagiging magka­ibigan, kaya hindi rin nawawala ang pag-asa sa kanilang mga anak.

Kahit ’di madalas magkita, Heart at Daniel palaging nami-miss ang isa’t isa

Mukhang wala na sa ‘honeymoon stage’ sina Heart Evangelista at Daniel Matsunaga. Tuloy akala ng marami off na ang relasyon nila. Pero pareho nilang itinatanggi ito. Heart is busy with her new soap at si Daniel naman, bukod sa may sisimulang programa, is into football. Pero tuwing may free time, nagkikita sila. Ayaw naman nilang ma-limit ang kanilang communication sa pagti-text at pag-uusap sa cell phone. 

Show comments