Nilagyan ng yelo habang magkaharap, aktres ipinamukha ang malakas na sampal ng kaeksenang aktres

Nagkaroon pala ng slight tension sa taping ng isang tumatakbong soap ang dalawang aktres na may important role. Tila nadala ng kanyang emosyon si Actress A at napalakas ang sampal kay Actress B na in fairness, nasa script naman.

Hindi man nagsalita si Actress B, naramdaman ni Actress A, staff ng soap at mga tao sa paligid na nasaktan ito at hindi nagustuhan ang makatotohanang acting ni Actress A. After the scene, agad humingi ng ice si Actress B sa crew at sa harap ni Actress A, dinampian ng ice ang parte ng pisngi na tinamaan ng sampal.

Na-offend si Actress A sa ginawa ni Actress B, pero hindi na lang nagsalita at baka magka-isyu pa. Sana raw naintindihan ni Actress B na ginawa lang niya ang kanyang trabaho.

Parehong contract star ng isang network ang dalawa at kung paiiralin nila ang pagka-propesyonal at hindi ang personal, kaya pa nilang magsama sa ibang project kahit hindi sila nag-uusap.

Bianca hindi muna itutuloy ang pag-aaral sa Amerika

 Best graduation gift kay Bianca King na ga-graduate sa February 11, ang Broken Vow na pilot sa February 6.

Dahil sa graduation, uuwi ang mommy niya sa Feb. 10, para dumalo at sa tanong kung invited ang BF niyang si Dennis Trillo, “I think my mom invited him,” ang sagot ng aktres.

Ayon kay Bianca, mas mahirap ang role niya sa Broken Vow  kesa Sinner or Saint at parang workshop lang niya ang SOS. Parang totoo raw siyang na-trauma sa rape scene niya dahil physically and emotionally draining, pero fulfilling.

 “Thankful ako sa GMA 7, after eight years of playing kontrabida and supporting roles, binigyan nila ako ng lead role. I’m humbled at ang ganda pa ng timing dahil graduation ko nga. Great graduation gift ito from God at ready na ako.”

Bukod sa Broken Vow, tampok din si Bianca King sa Spooky Nights with TJ Trinidad, kaya nadoble ang saya.

Dahil sa sunud-sunod na projects, on hold ang planong pag-aaral ni Bianca sa States. “Six years of school is enough muna,” sabi nito.

Show comments