Nagpadala ng official statement si Mr. Bong Osorio, Head of ABS-CBN Corporate Communications tungkol sa pagbabago ng format ng programang Showtime. Ito pala ang ipapalit sa mawawalang Happy Yippee Yehey simula next week.
“Pagkatapos ng dalawang taong pagiging isang paboritong Kapamilya sa umaga, ang It’s Showtime ay ang pinakabagong programa sa tanghali sa ABS-CBN Channel 2 simula sa Lunes, February 6, 2012.
“Ang It’s Showtime ay pangungunahan nila Vhong Navarro, Anne Curtis, Billy Crawford, Karylle, ‘Kuya’ Kim Atienza, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, at Vice Ganda. Ang kanilang malalim na pagkakaibigan at pinagsanib na talento at sense of humor ay nakapagbigay ng walang tigil na saya sa mga Kapamilya. Sasali bilang mga bagong miyembro ng show sina dance master Jhong Hilario, at ang mga paboritong ex-hurados na sina Ryan Bang at Coleen Garcia.
“Sama-sama, maghahatid sila ng bago at mas kapana-panabik na palabas na puno ng sorpresa at iba’t ibang segments na tiyak na kagigiliwan ng mga manonood.
“Ang ABS-CBN ay nagpapasalamat sa ‘madlang people,’ rito sa Pilipinas at sa buong mundo sa kanilang suporta sa Showtime at sa mga hosts nito sa dalawang taong pagbibigay ng saya at pag-asa sa umaga. Iniimbita ng Kapamilya network ang mga manonood na ipagpatuloy nila ang walang sawang pagtangkilik sa Showtime paglipat nito sa tanghali, Lunes hanggang Sabado simula sa February 6,” nakalagay sa nasabing statement.
Hmmm, makaya kaya ng powers ng Showtime ang Eat Bulaga? Yup babangga sila sa EB.
Ito pala ang rason kaya nag-iyakan ang mga host ng Showtime last Saturday na binigyan ng iba’t ibang interpretation ng mga nanood.
Sabi ng isa, naiiyak daw sila dahil natatakot sila dahil katapat na nga nila ang Eat Bulaga. Hahaha.
Anyway, aber, tingnan natin kung magiging bongga sila sa pagpasok nila sa Lunes.
Taping ng my Beloved maraming ‘nagoyo’
Marami palang nagoyo sa taping ng My Beloved sa Pasay EDSA kahapon.
Ang buong akala nila, totoong may nahulog na bus, ‘yun pala taping lang.
May ibang nag-akala naman na shooting ng The Bourne Legacy na isang dahilan ng matinding traffic sa EDSA last weekend. ‘Yun pala taping ng bagong serye nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Sam sa TV5 babalik?
Wish ko rin na may magandang kahinatnan ang pag-alis ni Sam Milby sa bansa para subukan ang kapalaran sa Hollywood.
Kasi last Sunday, may send off party pa sa kanya. Parang ang tagal niyang mawawala.
Kung sabagay, mabait si Sam at matsika kaya siguro sad na sad ang marami niyang kaibigan.
Pero may iba rin namang nagsasabi na may ibang dahilan ang pag-alis ni Sam. Madali lang daw itong mawawala at pagbalik ng bansa sa TV5 na siya mapapanood.
Wait tayo kung true ito.