^

PSN Showbiz

Juday at Ryan, bakasyon grande sa Japan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Pinaplano na ng GMA Films ang Part  2 ng Ouija, ang blockbuster horror movie ng GMA Films na pinagbidahan noon ni Judy Ann Santos.

Matagal nang binabalak ng GMA Films ang Part 2 ng Ouija pero hindi matuloy-tuloy dahil may conflict sa schedule ng mga artista.

Hinihintay pa ang pagdating ni Judy Ann mula sa Japan dahil nagbakasyon sila doon ng kanyang mister na si Ryan Agoncillo.

Dra. Belo at Hayden nag-join sa spiritual retreat sa Thailand, naki-mingle rin sa mga elepante

Hindi mahilig sa party si Dra. Vicki Belo kaya pinili niya na mag-join sa isang spiritual retreat sa Thailand noong nakaraang linggo.

Birthday ni Mama Vicki noong January 25 kaya lumipad sila ni Hayden Kho, Jr. sa Chiang Mai para sa kanilang spiritual retreat. Nag-stay sila sa Tao Garden, naki-mingle sa mga elepante at nag-try ng body detox.

Hindi pa ako nakakarating sa Chiang Mai pero may nagsabi sa akin na maganda ang lugar at maikukumpara ang climate nito sa Baguio City.

Perfect daw sa lahat ng klase ng retreat ang Chiang Mai dahil sa cool and relaxing weather.

Magkikita kami ni Mama Vicki kapag bumalik na sila ni Hayden mula sa Thailand para sa kanyang annual post-birthday lunch.

Steven at Diva panay pa rin ang deny

Walang naniniwala sa mga denial nina Steven Silva at Diva Montelaba na wala silang relasyon.

Madalas kasi na magkasama ang dalawa at may mga sighting na magkaakbay sila pero panay ang kanilang deny.

Binata at dalaga sina Steven at Diva. Walang mawawala kung magpapaka­totoo sila tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Advantage nga kung aaminin nila na magdyowa sila para wala nang mag-attempt na agawin si Diva kay Steven o magdalawang-isip ang mga babae na mag-flirt sa kanyang inililihim na boyfriend.

Make Me Sweat malakas ang bentahan ng tickets

In fairness, marami ang humihingi sa akin ng compli tickets ng Make Me Sweat, ang dance concert ng G-Force at ni Markki Stroem sa The Music Museum sa February 4.

Ang kaso, wala akong maibibigay dahil sold out na ang tickets as in ubos na ubos na kaya happy ang mga produ na kinabibilangan ng aking bestfriend Pinky Tobiano.

Na-realize ko na malakas ang hatak sa tao ng G-Force at ni Markki dahil sa magandang ticket sales ng kanilang show.

Hindi ko akalain na ma­rami pala sa mga Pinoy ang mahilig sa mga dance concert at lalong nadagdagan ang kanilang interes nang malaman nila na R18 o pang-adults only ang sizzling show na inihanda ni Markki at ng G-Force.

Ang Bosom Buddies Cancer Foundation ang beneficiary ng Make Me Sweat. Si Mama Pinky din ang nangunguna sa pagtulong sa Bosom Buddies.

Ready na rin si Yeng Constantino sa kanyang Valentine Show sa February 3, ang OK Lang Maging Single sa Valentine’s.

Si Mama Pinky din ang co-producer ng concert ni Yeng na itatanghal sa Music Museum at gaya ng Make Me Sweat, malakas ang benta ng tickets ng OK Lang Maging Single sa Valentine’s dahil popular na popular ito sa mga single at loveless na katulad namin ni Yeng.

Katulad daw namin o!

BAGUIO CITY

BOSOM BUDDIES

CHIANG MAI

G-FORCE

LANG MAGING SINGLE

MAKE ME SWEAT

MAMA VICKI

MUSIC MUSEUM

SI MAMA PINKY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with