^

PSN Showbiz

Kris kay Richard babawi

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

May posibilidad palang gumawa ng pelikulang mag­kasama sina Kris Aquino at Richard Gutierrez.

Pareho namang okay ang dalawa sa nasabing ideya. Katunayan napag-usapan na nila ito na nang magkita sila sa US. At siguro magaganap ito sa GMA Films. Dahil nagbigay na ang GMA Films at maging ang GMA7 nang payagan nila si Dingdong Dantes na gawin ang Segunda Mano.

Ngayon, pagkakataon naman nilang bumawi.

Sana nga matuloy ang proyekto. Parehong magbe-benefit ang dalawang network. At ang dalawang artista. Gawin na nila bago pa maging abala si Kris sa kanyang teleserye.

Dennis at Bianca hindi makaamin

Ewan ko lang kung bakit kailangan pang mag-deny nina Dennis Trillo at Bianca King eh, obvious namang may namamagitang maganda sa kanila.

Nagka-debelopan sila sa ginawa nilang seryeng Sinner or Saint.

Pero kung ayaw nilang umamin eh ‘di huwag. 

Gabo suwerte sa mga naging anak

O ‘di ba, tama ang hinala ko, magso-showbiz din ang anak ni Gabby Concepcion kay Jenny Syquia na si Cloie. Pero sa komersiyal muna siya magpo-fo­cus para makapag-aral pa ng Tagalog. Spokening dollars si Cloie na hindi rin maitatago kung sino ang ama. Gabby na Gabby din ang itsura niya na parang si KC din.

Ka-suwerte naman nitong si Gabo, biruin mo tatlong magagandang babae ang anak niya na pawang nasa showbiz na. Konting tulak na lang at magiging ganap na silang artist.

vuukle comment

BIANCA KING

CLOIE

DENNIS TRILLO

DINGDONG DANTES

GABBY CONCEPCION

GABO

JENNY SYQUIA

KRIS AQUINO

PERO

RICHARD GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with