Manager idinamay pa, ipinagyayabang na offer ng aktres itinanggi ng isang network
Sabi ng isang aktres may offer sa kanya ang isang big network, na pinag-aaralan niya at ng kanyang manager, pero wala naman pala. Hindi nga raw interesado ang network na kunin ang aktres kahit tapos na ang kontrata sa ibang network.
Nagulat nga raw ang management ng big network sa naglabasang interview sa aktres na lost siya kung ano ang pipiliin sa offer dahil hindi sila nag-o-offer ng kontrata rito. Iniisip tuloy na baka nagpapataas lang ng talent fee ang aktres at manager nito sa kanyang home network if ever offeran siya ng new contract.
Kasama pa naman ang aktres sa pinagpipiliang ipareha sa isang sikat na aktor sa bago nitong soap, baka sa mga pahayag niyang may offer ang ibang network, alisin siya sa listahan ng posibleng makapareha ng aktor.
Sarah ipapareha kay Richard Gutierrez
Hindi maaapektuhan ang taping ni Sarah Lahbati ng Kokak sa pag-alis niya for Switzerland sa February 9, para sa isang show dahil Feb. 8, tapos na ang taping niya sa soap, pero up to March pa ang airing. Happy itong makikita uli ang ama at mga kaibigan at maipapasyal niya sa Geneva sina Enzo Pineda at Derrick Monasterio.
Sobrang thankful si Sarah sa Kokak dahil mas marami ang nakakilala sa kanya at nahasa siya sa acting. Kuwento nito, minsang nasa Shangri-La Mall siya, tinawag siyang Kokak ng bata at parents nito. Kahit saan siya magpunta, ‘yun ang tawag sa kanya, kaya feeling nito, tumatak sa tao ang soap at karakter niya.
Dapat ay magtatagal sa Switzerland si Sarah, kaya lang, pinababalik agad siya dahil may next project na siya at pang-primetime pa. Isa siya o baka siya ang leading lady ng isang big actor ng network sa bago nitong soap at excited ang dalaga.
Chris lagare sa dalawang network
Nagulat ang press sa nabalitaang bukod sa iBilib infotainment show niya sa GMA 7 na magpa-pilot bukas, after Kap’s Amazing Stories, may show din siya sa TV5 na February naman ang airing. Nabanggit kasi ni Chris Tiu sa presscon ng Ch. 7 show nila nina Moymoy Palaboy at Isabelle Daza na hindi siya aalis sa Kapuso Network.
Sabagay, hindi pumirma ng exclusive contract sa TV5 si Chris at per project ang kontrata, saka game show ang Toink, kung saan, kasama niya sina Aiko Melendez, Alex Gonzaga, at Jomari Yllana. Pinaka-happy daw si Alex dahil crush nito si Chris at umindak daw ito sa tuwa sa first taping day nila.
Sa iBilib, hindi sila puwedeng ma-link ni Isabelle dahil friend niya ang foreigner BF ng dalaga at alam din ni Isabelle na taken na siya. Pero si James ng Moymoy Palaboy, hindi nagpapigil sa admiration kay Chris at man crush niya ito.
Rockwell pugad ng celebs
Ang dami palang celebrities na nakatira sa Rockwell, but for their safety, hindi na namin sila papangalanan. Hindi man sa iisang condo building nakatira, nagkikita-kita pa rin sila, lalo na ang grupo ng magkakaibigang ito.
Ang magandang TV host na nagso-solo na ngayon, may sarili ring unit ang magandang pinsan nitong fashionista at sa Rockwell din ang unit ng BF nitong model/businessman mula sa famous political family.
May kani-kanya ring condo unit ang sexy singer-actress-model at ang brother niyang BF ng sexy actress-recording star. Isa sa bagong lipat sa Rockwell ang TV host na galing sa showbiz family at ayaw mag-artista.
Sa Rockwell din may unit ang actor-director at dito rin nakatira ang isang magaling na aktres at pamilya nito at ang sikat, maganda at kontrobersiyang aktres.
Kaya pala madalas makita sa Powerplant Mall ang celebrities na na-blind item namin dahil sa Rockwell lang sila nakatira at mukhang madadagdagan pa sila.
- Latest