Ronald lalong 'nabaliw' kay Lovi

Hindi lamang pinaniniwalaan na nagkita na’t nagkausap ang dating magkarelasyong Lovi Poe at Ronald Singson, nagkabalikan na  rin daw ang dalawa matapos silang makapag-usap ng masinsinan.

Walang inaamin na balikan ang dalawa, sinabi lamang nila na nire-renew lamang nila ang kanilang friendship. Kung may mamuong mas seryosong relasyon, they will take it from there.

Pero hindi itinatago ng dating kongresista ang kanyang paghanga kay Lovi. Inamin niyang proud siya sa naging takbo ng career nito sa mga panahong wala siya. Ikinararangal niya ang mga na-accomplish nito.

Lahat ng mga ginawa nitong movies habang wala siya ay pinanood niyang lahat. Maging ang kasisimula nitong seryeng Legacy sa GMA7 ay sinusubaybayan niya. Ganun siya ka-focused sa trabaho ni Lovi at kay Lovi rin mismo.

Young love hindi makalimutan ni Kuya Germs

Matagal ko nang friend si Kuya Germs Moreno pero kamakailan ko lang nalaman ang koneksiyon niya sa dalawang pinakamalaking loveteam sa pelikula, ang tambalan nina Nora Aunor at Tirso Cruz lll at Vilma Santos at Edgar Mortiz. Ito ay isa sa pinakamalaking pelikula na pinrodyus ng Sampa­guita Pictures na nagtatampok sa apat, ang Young Love.

Bagaman at may mga pelikula nang dinirek ang ngayon ay popular nang TV host pero, gumaganap pa ring komedyante, sa kanya ang istorya ng Young Love kaya talaga namang kasama siya sa punong abala sa unang pagpapalabas ng nasabing pelikula.

Naikuwentong lahat ito ni Kuya Germs habang pinanonood ang pagpapasumpa ng ngayon ay gobernadora na ng Batangas sa mga bagong opis­yal ng Philippine Movie Press Club.

Ikinatuwa ng lahat ng miyembro ng PMPC na talagang naglaan ng panahon si Gob. Vi para sa kanilang induction. Hindi ito nagmadali, nagbigay ito ng sapat na panahon para sila mapasumpa, pumir­ma ng mga katibayan ng panunumpa ng lahat ng opisyal, magpapiktorial kasama ang grupo at para sa kapakanan ng mga dumalong entertainment press and photographers.

Samantala sinabi nito na nagso-shooting na siya ng kanyang horror movie sa ilalim ng direksiyon ni Chito Roño para sa Star Cinema.

Inihingi rin niya ng suporta ang kanyang anak na si Luis Manzano na magho-host ng Deal or No Deal.

Pokwang magpapa-iyak na naman

Matapos ang matagumpay na pagpapalabas ng pelikula niya para sa TFC na A Mother’s Story, paiiyakin naman ng komedyanteng si Pokwang ang mga manonood ng TV sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya bukas ng gabi.

Gagampanan niya ang role ni Tita, isang devoted wife and mother na nagtrabaho sa isang bukid para masuportahan ang pamilya niya. Natuklasan niyang pinagtataksilan siya ng kanyang asawa.

Show comments