Dahil sa shooting ng Bourne... traffic sa Maynila mas lumalala!

SEEN : Ang shooting kahapon ng The Bourne Legacy sa Intramuros, Manila.

Kahapon ang unang araw ng shooting ni Edward Norton para sa Hollywood movie na kinukunan sa maraming lugar sa Metro Manila.

Nagdudulot ng matinding traffic sa Maynila ang shooting ng nasabing pelikula.

SCENE : Bukas ng gabi ang Annebisyosa, ang first major concert ni Anne Curtis sa Smart Araneta Coliseum.

Malakas ang benta ng concert tickets ni Anne.

SEEN : Pinabulaanan ng kampo ni Senator Lito Lapid ang balita na nakakulong sa Amerika dahil sa dollar smuggling  ang kanyang misis na si Marissa nang bumiyahe ito sa Las Vegas noong January 15.

Kinasuhan si Marissa ng smuggling ng US authorities dahil sa pagdadala ng US$50,000 sa last trip niya sa US noong November 2011.

Ilalapit ni Senator Lapid sa Department of Foreign Affairs ang problema ng kanyang asawa.

SCENE : Super sexy ang concept ng Make Me Sweat, ang pre-Valentine show ni Markki Stroem at ng G-Force sa Music Museum sa February 4.

Bawal ang bata sa Make Me Sweat dahil rated R18 ang show.

SEEN : Naghahanap ang GMA 7 ng magiging leading lady ni Richard Gutierrez sa bagong primetime show ng aktor. Sasailalim sa screen test ang mga gustong makapareha ni Richard sa teleserye na action-drama ang tema.

SCENE : Nakakadismaya ang pahayag ni P-Noy na mababa nang konti sa priority ng kanyang pamahalaan ang isyu sa pirated DVD’s.

Walang aksiyon si P-Noy laban kay Presidential Political Adviser Ronald Llamas na nakunan ng litrato habang bumibili ng mga pirated DVD sa isang mall sa Quezon City.

SEEN : Kasali sa The Biggest Game Show in Asia  ang Survivor Philippines Season 1 castaway na si Patani.

Umaasa si Patani na makakatulong ang pagsali niya sa malaking game show ng TV5 upang magkaroon ng bagong sigla ang kanyang showbiz career.

SCENE : Ang mga bata sa Operation Smile ang pasasayahin ni Marvin Agustin sa kanyang 33rd birthday sa January 29.

Dadalhin bukas ni Marvin sa Enchanted Kingdom ang Operation Smile children.

Show comments