^

PSN Showbiz

Aktor na kikita ng P600 million sa TV5, nagbago ang isip nang makitang babawasan pa ng tax

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Ay muntik na pala talagang lumipat ang Kapamilya aktor sa TV5. Nakalatag na raw ang lahat. As in may verbal commitment na ang aktor sa Kapatid Network.

Ang laman ng contract, kikita ang aktor ng P600 million sa loob ng tatlong taon. So kinagat naman daw ng aktor ang offer at naka-oo na nga siya. Pero nang rebyuhin daw uli ng kampo ng aktor ang kontrata, nagbago ang total amount nang kanyang kikitain. Mababawasan daw kasi ang P600 million ng tax. So malaking halaga ang mababawas.

Kaya nag-isip-isip daw ang Kapamilya aktor at nag-decide na ‘wag na lang ituloy ang paglayas sa kanyang kinalakhang network.

Maganda ang takbo ng career ng actor sa kanyang home studio at wala na naman siyang kailangang patunayan kaya pinatulan daw sana ang P600 million na offer para nga naman sa datung. Kaso naudlot nga.

Daisy Romualdez at Amalia Fuentes biglang lumayas nang makita si Annabelle Rama!

OA ang reaction namin nang dumating si Annabelle Rama sa Poolside ng Imperial Hotel na pag-aari ni Mother Lily kung saan ginaganap ang birthday party ni Alfie Lorenzo last Wednesday night.

Kasi andun din sina Daisy Romualdez at Amalia Fuentes na alam sa buong showbiz ay kagalit niya. Pero cool na cool ang mommy nina Ruffa at Richard.

Nasa magkasunod na table lang sina Annabelle at Amalia pero hindi talaga sila nagbatian pero walang naganap na irapan. Basta dedmahan lang sila.

Maya-maya ay nilapitan ni Daisy, nanay ni Danita Paner na balitang gusto nang i-manage ang anak pero ayaw naman nito (Danita) kaya nag-away daw sila ni Annabelle, si Amalia. Si Daisy na ang nag-ayang umuwi kaya hindi rin nagtagal ang pagsasama-sama ng dating magkakaibigan na ngayon ay magkakaaway sa isang lugar.

ALFIE LORENZO

AMALIA

AMALIA FUENTES

ANNABELLE

ANNABELLE RAMA

DAISY ROMUALDEZ

DANITA PANER

IMPERIAL HOTEL

KAPAMILYA

KAPATID NETWORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with