Toni proud na on Time!
MANILA, Philippines - Bakas sa mukha ni Toni Gonzaga (3rd from left) ang kasiyahan at excitement habang pumipirma ng kontrata bilang bagong endorser ng UniSilver Jewelry at UniSilver Time (watch).
Kasama sa larawan mula kaliwa sina Jason Chan, marketing manager ng UniSilver Jewelry, William Co, vice president ng UniSilver Time at ina at manager ni Toni na si Pinty Gonzaga. Si Toni ay makakapareha ni Sam Milby bilang endorser din ng UniSilver Jewelry at UniSilver Time.
Ang pagiging on time ni Toni sa kanyang mga commitments at show gayundin ang magandang imahe nito sa publiko, partikular na sa mga kabataan, ang dahilan kung bakit siya napili bilang endorser ng magkapatid na kumpanya.
Sa kasalukuyan ay mayroong 200 branches nationwide ang UniSilver Jewelry habang 88 store branches naman ang UniSilver Time.
- Latest