Dahil kay Jennylyn, Gov. Vi gusto na ring mag-diving

PIK : Talagang suportado ni Gov. Vilma Santos ang relasyon nina Luis Manzano at Jennelyn Mercado.

Kapag nagda-diving pala sina Luis at Jennylyn sa Anilao, Batangas dina­dalaw sila roon ni Gov. Vi para matiyak lang na safe sila at okay ang kanilang kalagayan.          

Parang naenganyo na nga rin daw si Gov. Vi na mag-aral ng diving dahil nakikita niyang nag-e-enjoy ang magkasintahan.

Masaya na rin daw siya kapag nakikita niyang masaya ang kanyang anak kaya hindi na raw kailangang sabihin kung boto siya o hindi.

PAK : Lumalala na pala ang hidwaan nina Ellen Adarna at ng mag-inang Isabel Lopez at Mara Yokohama.

Tinawag nina Isabel sina Ellen at mga kaibigan nitong sina Jackie Forster at Angelicopter na quitter-bitters.

Sagot naman ni Ellen : “Okay lang. Quitter naman talaga eh, at least hindi naman ako klepto!”

As of presstime, sinusubukan pa naming kunan ng sagot ang mag-inang Isabel at Mara sa nakakalokang pahayag ni Ellen.

BOOM : Kinumpirma ni Isabel Oli sa Startalk na hiwalay na sila ni Gab Valenciano.

Bago pa mag-Pasko sila nag-break kaya malungkot si Isabel at inaamin niyang naging malamig ang kanyang Pasko.

 Hindi na niya dinetalye ang dahilan ng break-up pero nilinaw nitong walang third party involved.

Hindi niya sinagot ang kuwentong ilang beses na nakitang magkasama sina Gab at Coleen Garcia.

Show comments