City Hunter umarangkada na

MANILA, Philippines - Sinalubong ng ABS-CBN ang year of the dragon ng isang maaksi­yong pasabog dala ng much awaited and biggest Korean drama, ang City Hunter, na nagsimula noong Lunes (Jan 23) sa Primetime Bida.

Pinagbibidahan ng Asian superstar na si Lee Min Ho na nagbabalik Philippine TV matapos ang kanyang matagumpay na ser­yeng Boys Over Flowers at Perfect Match sa ABS-CBN.

Katambal niya rito si Park Min Young na napapabalitang real-life girlfriend ng Korean heartthrob. Na-develop diumano ang dalawa habang ginagawa ang naturang soap.

Ginagampanan ni Min Ho ang papel ng guwapo at matalinong si Johnny Lee (Min Ho) na nagtatrabaho sa Presidential residence na kung tawagin ay Blue House. Sa likod ng kanyang nakahuhuma­ling na itsura at personalidad ay nakakubli ang isang anak na nais ipaghiganti ang ama laban sa limang pulitiko na dahilan ng pagkamatay nito.

Bagamat isang mahusay na assassin ay hindi magiging madali ang lahat kay Johnny dahil kinakailangan niyang sundin ang tatlong batas sa kanyang mis­yon— bawal magtiwala kahit kanino, kailangan niyang itago ang tunay niyang pagkatao, at bawal magmahal. Hahamunin ang lahat ng ito ng nakilala niya kay Kim Na Na (Min Young), isang body guard sa Blue House.

Sa pagkahulog ng kanyang loob sa dalaga, ano ang pipiliin ni Johnny, pag-ibig o tungkulin?

Napapanood ito pagkatapos ng Pinoy Big Brother Unlinight.

Show comments