Pasaring ni Ellen Adarna, anak ni Isabel Lopez may masamang amoy sa katawan!

Seen : Personal na tinawagan ni Congressman Roman Romulo sa telepono ang mga invited guest sa kasal nila ni Shalani Soledad na hindi nakapasok sa wedding reception dahil wala sa guest list ang mga pangalan.

Nag-apologize si Congressman Romulo

Scene : Ang pasaring ni Ellen Adarna na may amoy sa katawan ang fellow Survivor castaway na si Mara Yokohama, ang anak ni Ma. Isabel Lopez.

Nangangamoy word war dahil hindi palalampasin ni Ma. Isabel ang mga patutsada ni Ellen laban sa kanyang anak.

Seen : Hindi pa nagkikita si Gabby Concepcion at si Chloe, ang estranged daughter niya kay Jenny Syquia na nagbabakasyon sa bansa.

Scene : Nagustuhan ng sambayanang Pilipino ang pagsasalita sa wikang Tagalog ng mga sangkot sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona dahil higit na naiintindihan nila ang isyu.

Seen : Ikinatuwa ng lahat ang pagdalo kahapon ni Senator Miriam Defensor-Santiago sa impeachment trial dahil siya ang nagbigay kulay at sigla sa isang nakakainip na hearing.

Scene : Ang wrong pronunciation ng female TV reporter ng TV5 sa salitang aisle. Silent ‘S’ ang tamang pagbigkas sa aisle, hindi ‘ayls.’

Seen : Naghahanap si Cesar Montano ng bagong lugar sa Quezon City na paglilipatan niya sa Bellissimo, ang pag-aari niyang Italian restaurant na pansamantalang nagsara dahil nagtaas ng renta ang may-ari ng puwesto.

Scene : Sina Renz Fernandez at Jolo Revilla ang makakasama ni Senator Lito Lapid sa TV series na gagawin niya sa ABS-CBN.

Show comments