Piolo aminado, maraming nagawa nang dahil sa pag-ibig

Sina Cristine Reyes at Maricar Reyes ang makakapareha nina Piolo Pascual at Jericho Rosales sa teleseryeng Nang Dahil sa Pag-Ibig. Ngayon pa lamang ay excited na si Piolo dahil malapit nang ipalabas ang nasabing serye.

“We are so excited dahil pagpasok ng 2012 ay ang pagbubukas naman ng aming bagong soap opera. Of course it is my first time to work with Mr. Jericho Rosales in a soap opera and reunion namin ni Maricar, the last one was Lovers in Paris. Si Cristine Reyes first time kong makakatrabaho kaya I’m really excited. Of course kapag sinabi mong soap opera ng ABS-CBN talagang pinaghahandaan, talagang pinagtutuunan ng pansin ng ating istasyon so I’m really excited and I’m honored to be part of the series na tatrababuhin natin ng isang taon,” pahayag ni Piolo.

Padre de Pamilya ang dating titulo ng kanilang bagong serye pero bakit nga ba ito napalitan?

“We just wanted it to be more universal because everything that happens around us is all about love kaya Nang Dahil sa Pag-ibig ito ay nangyari. Ito ang makikita n’yo as you watch the soap, it’s all about love, it’s all about the conflict ng umiibig at nang dahil sa pag-ibig ito ay naging conflict ng bawat isa,” rason ng aktor.

Ayon pa kay Piolo ay marami na siyang nagawa nang dahil sa pag-ibig.

Melissa nahihirapang akitin si Coco

Inamin ni Melissa Ricks na hindi naging komportable ang kanyang mga magulang sa naging role niya sa teleseryeng Nasaan Ka, Elisa? Pero masaya naman ang dalaga sa naging resulta ng kanyang ginawa.

“Sina mama at papa noong una hindi nila gusto ’yung ganun kasi siyempre I’ll always be their baby girl. Nakita naman nila na mara­ming nagkagusto sa kuwento and I’m responsible naman, so walang na­ging problema,” paglalahad ni Melissa.

“’Yung Nasaan Ka, Elisa? Noong tinanggap ko, sinabi ko sa sarili ko na pagbubutihan ko. Kung magho-hold back ako, sayang naman. Alam ko kung anong kuwento from the start, so pumayag ako. So what I have to do is to just do my job and do it well.”

Ngayon ay mas pinagbubutihan ni Melissa ang kanyang role bilang sexy kontrabida sa seryeng Walang Hanggan kahit medyo nahihirapan siya.

“Nakita nila ’yung potential ko bilang sensual na tao, and bilang bata pa si Julia Montes, ’yung mga hindi pa niya kayang gawin ako ang gagawa. ’Yung mga scenes namin ni Coco na kinukunan so far, medyo kinakabahan ako. Hindi lang dahil magaling siyang aktor, kundi dahil inaakit ko siya palagi kaya mahirap,” pagtatapat ni Melissa.

Kahit na may mga maseselan na eksena sina Melissa at Coco ay malabo namang mangyari na may mabuong espesyal na pagtitinginan sa kanilang dalawa.

“Alam ko naman si Coco, he’s very serious and focused sa trabaho niya kaya siya magaling na artista. Ang masasabi ko lang sobrang bait ni Coco at marami akong natutunan sa kanya,” paliwanag ni Melissa. — Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments