Rufa Mae sasamantalahin ang pagsisipag ng partners
Mabuti naman at naisipang balikan ni Rufa Mae Quinto ang pagpoprodyus ng pelikula. ‘Di ko lang maisip kung bakit mas pinahalagahan niya ang kanyang love life gayong pinanonood ang mga pelikulang ginagawa niya. Hindi naman siya naging masuwerte sa mga lalaking minamahal niya.
Sana hindi pa huli para balikan niya ang dating trabaho. Habang malakas pa ang demand sa kanya bilang artista. Hindi na bumabata ang sexy comedienne.
Samantalahin mo na Rufa Mae habang masisipag pa ang mga partners mo at mahaba pa ang pisi. Kayang-kaya mo pang pahabain ang pisi n’yo at pakapalin ang mga pitaka n’yo. Huwag mong sayangin at aksayahin.
Claudine ’di kikilos ng walang paalam
Pinayagan ba ng GMA 7 na lumabas si Claudine Barretto na kasama ang kanyang kapatid na si Gretchen sa isang serye ng ABS-CBN?
Nega ang pagtanggap dito ng marami. Pero I’m sure hindi niya ito gagawin ng walang approval ang kanyang network ngayon.
Kung anuman ang kahahantungan ng mga usap-usapan sa kanila, sana maging favorable sa lahat lalo na kay Claudine na naghihintay pa ng projects from GMA.
Manny pinagdududahan pa rin
Ngayon namang nagpapakita ng pagbabago si Rep. Manny Pacquiao ay nagdududa pa rin tayo. Ano ba ang kailangan niyang gawin para siya paniwalaan ng tao? Kulang pa ba ’yung pagiging malapit niya sa Panginoon? Kung ang asawa nga niyang Jinkee ay happy na sa pagtalikod ni Manny sa bisyo at pagbibigay ng panahon sa kanyang pamilya, lalo na sa kanilang mga anak, sino tayo para kuwestyonin ang katapatan ng mga ginagawa ng kampeong boksingero ngayon?
’Yun ang kulang sa marami sa atin, ’yung pagbibigay ng benefit of the doubt sa mga nangangailangan nito. Madalas judgmental tayo. Please lang, maski na sa taong ito, magbigay tayo ng pagkakataon sa iba. Hindi lahat ng nagkakamali ay hindi na puwedeng magbago. Let’s give them a chance. Bigyan natin ng pagkakataon si Manny at ang pamilya niya na maging isang masayang pamilya muli.
Roman at Shalani in love na in love ang hitsura
Marami ang naiinggit sa napaka-romantikong wedding nina Rep. Roman Romulo at Councilor Shalani Soledad noong Linggo.
Sa kaso nina Mr. & Mrs. Roman Romulo, mukha namang in love na in love sila sa isa’t isa. At sana ang pagmamahalang ito ay manatili o kung magbago man ay for the better.
Only my best wishes for the both of you!
- Latest