Anne insecure sa kapal ng lips!

Inamin ni Anne Curtis na first and last concert niya ang magaganap sa Smart Araneta Coliseum. Kapag pinalad siya’t napuno niya ang lugar, hinding hindi na niya kaya pang maulit ito.

“Ang hirap kaya. Kinakabahan nga ako, natatakpan lang ito ng excitement ko. Nitong huli ko na lang naramdaman ang takot, when somebody asked kung mapupuno ko ba ang venue. Siyempre I’ve never entertained the thought na baka nga hindi pero I’m the type that look at all things positively. Ayaw ko ng mga negative thoughts. When this concert was offered to me, hindi ko inisip na ibang klase ito, na baka hindi ko kayanin. Hindi ako singer but when an opportunity this great is presented to me, bakit ko tatanggihan? Go agad ako. Pati mom ko nga naloloka dahil hindi lang ako nag-recording, magko-concert pa ako, at sa Araneta pa! Naloloka lang siya dahil hindi niya ito expected. But she never doubts na hindi ko ito kakayanin,” sabi ng may bagong titulong aktres, ang pagiging Concert Sweetheart.

“’Kaloka, hindi pa nangyayari ang concert pero may title na ako. But I’m confident, always have been. I remember the time nung bata pa ako, my dad always made fun of my thick lips, ang laki raw. It made me feel insecure, ugly, pero nang dumating si Angelina Jolie who made waves because of her great acting, her relationship with Brad Pitt, ’yung pag-a-adopt nila ng maraming babies, at ’yung pouting lips niya na ginagaya ng marami, na-restore ang confidence ko.”

Experimental film ni Maja ipapalabas sa Bahay ni Kuya

Akalain mo na pati pala premiere night ng My Cactus Heart na nagtatampok sa magdyowang Maja Salvador at Matteo Guidicelli ay gagawin ding experimental? Matatandaang sinabi ng direktor ng movie na si Enrico Santos na isang malaking eksperimento ang pelikula niya dahil half-indie, half- mainstream ito. Ang magiging resulta ng movie ang magdi-decide kung gagawa pang muli ng ganitong tipo ng pelikula ang Star Cinema bilang suporta sa lumalagong indie spirit.

Ang premiere night ng My Cactus Heart ay hindi magaganap sa alinmang commercial theater kundi dun mismo sa Bahay ni Kuya, sa Pinoy Big Brother House. Dahil hindi naman makaka-accommodate ng marami ang nasabing lugar kung kaya maglalagay ng screen sa labas ng PBB House na kung saan puwedeng masaksihan ang mga kaganapan sa loob. Ang cast lamang ng pelikula, mga big bosses, and execs ng Star Cinema, at mga piling panauhin ang makakapasok sa loob para saksihan ang unang pagpapalabas ng pelikula na kung saan ay ipinakikilala rin si Xian Lim.

Back to Maja, mukhang nabaligtad ang mga pangyayari. Parang mas in love na ngayon ang young actress kay Matteo. Kung dati ay ang car-racing actor ang vocal sa kanilang relasyon, si Maja na ngayon. Katunayan ay nagbitaw pa ito ng salita na sana ay hindi na siya pakawalan pa nito.

Ewan ko pero lahat ng nakabasa nito ay nagkakaisa na dapat ay magtira ng kahit kaunting pagmamahal ang aktres para sa kanyang sarili. Huwag niyang ibuhos lahat sa kanyang boyfriend. Baka hindi niya kayanin ang pressure, lalo na siya na ang tipo ng mga roles na ginagampanan ay ’yun tala­gang pagseselosan ni Matteo.

Kung kay Coco Martin na hindi naman niya nakarelasyon ay nagselos ito, kay Jason Abalos pa kaya hindi eh, mag-ex sila? At kung sa trailer pa lamang ng seryeng ginagampanan niya ay meron nang nakikitang intimate scene sila ni Jason, paano pa kaya sa kabuuan nito? Magawa kaya ni Matteo na maintindihan ito?

Gerald at Jay parehong ipinipilit ikonek sa mga babae

Bakit naman parang ipinagpipilitan si Iwa Moto sa ex ni Kris Bernal na si Jay Perillo? Panay naman ang tanggi ng binatang singer at sinasabing magkaibigan lang sila at nagsimula ang kanilang friendship kahit nung sila pa ni Iwa. Mukha namang maginoo si Jay na hindi itatanggi ang ibini­bintang na relasyon nila, kung totoo man ito.

Samantala, ganito rin ang gustong palabasin ng maraming tagasubaybay ng local showbiz sa gi­na­wang pagbibigay ni Gerald Anderson ng Tiffa­ny necklace kay Sarah Geronimo. Eh noted sa pa­gi­­­ging galante si Gerald. Binigyan nga niya nun ng pink na car ang ex niyang si Kim Chiu ’di ba? Kaya mani lang kung ikukumpara ’yung kuwintas niya kay Sarah at iba pang regalo sa pamilya nito.

Tanggapin na lang natin ang sabi ni Sarah na talagang hindi pa siya handa sa isang bagong relasyon ngayon. Pasasaan ba’t mami-meet din niya ang lalaking magpapatibok ng kanyang puso na obviously ay hindi pa niya nakikita. Baka bukas.

Show comments