^

PSN Showbiz

Nipple ng dating PBB Teen pinisil ni Katy Perry sa kanyang concert

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Grabe, halos 10:30 na pala nag-umpisa last Sunday night ang concert ni Katy Perry! Kaya ang mga nanood, walang choice kundi magdusa sa paghihintay.

Pero worth it naman ang matagal na tayuan sa Mall of Asia Concert Grounds dahil bigay na bigay naman si Katy nang mag-umpisa na ang last leg ng kanyang California Dream Tour sa bansa.

Pero pinaka-highlight ay nang magtawag sa stage ng audience na pinag­hubad pa niya ng T-shirt. Ang masuwerteng umakyat sa stage at nahalikan niya – si Ivan Dorschner ng Pinoy Big Brother Teen Edition. At hindi lang basta hinalikan, pinisil niya pa ang nipple nito. Hahaha! Naaliw si Katy sa bagets na in fairness ay may hitsura naman.

Anyway, nag-sorry naman si Katy sa mga naghintay. Security reason pala kaya nagtagal.

“Thanks for an AMAZING FINAL CDT date Manila! Sorry to keep u waiting earlier... had to solve a security issue, but THE SHOW WENT SPLENDIDLY!” tweet niya.

Charlene, bagay ang short hair

Bagay kay Charlene Gonzales ang kanyang bagong hairdo. Bumulaga si Charlene sa The Buzz kahapon matapos ang mahaba-habang bakasyon ng pamilya nila ni Aga Muhlach sa Amerika kung saan sila may bahay. Ang short ng hair niya.

Matagal-tagal din siyang long hair.

Chris Tiu ayaw umarte

Hindi itinatago ni Chris Tiu na meron siyang non-showbiz girlfriend. Kaya nga hindi sila maireto ni Isabelle Daza though maraming nagsasabi na bagay naman sila.

Pero walang binabanggit na pangalan ng girl si Chris. Baka ’pag nag-start na ang pagsasamahan nilang programang iBilib na magsisimulang mapanood sa Jan. 29.

Ang iBilib ay isang infotainment program tungkol sa nakaka-bilib na mundo ng siyensiya. Pero si Isabelle rin kasi, may karelasyon sa kasalukuyan.

Sa bawat episode ay ihahatid ng hosts (Chris at Isabelle) ang mga videos ng iba’t ibang scientific experiments na tila may halong magic hango sa Wonders of Horus ng Japan. 

Makakasama nila ang nakakatawang tandem nina Moymoy Palaboy.

Sila mismo ang magsasagawa ng mga experiments nang walang halong camera tricks upang mas lalong maging nakakaaliw ang pa­no­nood ng mga viewers. Sisiyasatin din nilang apat ang mga kakaibang scientific trivia tungkol sa iba’t ibang kaganapan at bagay sa mundo.

Bukod sa mga experiments, ipapakita rin sa programa ang mga kakaibang imbensyon ng mga mahuhusay na Filipino inventors.

Anyway, wala sa plano ni Chris na sumabak pa sa aktingan. Happy na siya sa trabaho niya ngayon.

AMWSLAI AFP PNP Singing Stars Battle Of The Champions Ready Na!

Handa na ang lahat para sa tagisan ng magagaling na pulis at sundalo sa kantahan na gaganapin sa Music Museum sa Feb. 2.

Magtatagisan sila sa pagkanta sa gaganaping first ever AMWSLAI AFP PNP Singing Stars Battle of the Champions. Bukod sa tagisan ng galing, magsisilbi rin itong fund-raising event para sa mga families and dependents ng kanilang comrades na ayon kay AMWSLAI chairman and president Col. Ricardo Nolasco (ret.) “have sacrificed their lives in the pursuit of their noble mission of serving, protecting and defending the Filipinos and the Philippine flag.”

At ito ang pinakamagandang paraaan para matulungan ang mga heroes and heroines, dagdag niya.

Balitang marami nang tumutulong para sa nasabing songfest. Mabibili ang tickets sa halagang P5,000, P2,000 and P1,000 pero nag-pramis naman silang masusulit ang ibabayad ng mga manonood na gagastos para makatulong.

Ang noted jazz artist na si Arthur Manuntag ang magdidirek ng show na magsisimula ng 8:00 p.m. at magiging guest performer si Jericho Rosales. Inimbitahan din nila si Sec. Jesse Robredo ng Department of Interior and Local Government (DILG).

By the way, ang AMWSLAI refers to the Air Materiel Wing Savings and Loan Association. It caters only sa mga members ng different units under the Armed Forces of the Phi­lippines at nag-o-operate na isang paluwagan. Yup, paluwagan. Nag-iipon sila pero kumikita ng interes at puwedeng mag-loan ang mga members na walang collateral. Meron silang 230,000 members at may assets na P26 billion.

Pero meron naman silang mga livelihood, scholarship, medical and dental programs para sa kanilang depositors.

At isa sa mga projects na matagal na nilang ginagawa ay ang AMWSLAI Search for Singing Stars.

“Every year, the competition is so fierce that the judges always have a hard time deciding on the winners. We have an inexhaustible goldmine of exceptional singers in the military,” sabi ni Col. Nolasco.

Anyway, ang one-night elimination ng AMWSLAI AFP PNP Singing Stars Battle of the Champions ay ginanap na last December at ang mga past winners ng taunang Singing Stars ay nakasama ang mga judges na pinangunahan ni Dulce and Manuntag kung saan pumili sila ng 11 para sa final showdown na gaganapin nga sa Feb. 2.

Say ni Dulce, extraordinary ang voice quality ng mga finalists.

Ang sabi naman ng jazz artists na si Manuntag, kayang pataubin ng mga contestants sina Arnel Pineda at Jovit Baldivino.

Kasama sa mga naging finalist na nagre-represent ng Army, National Police, Air Force and one each mula sa Navy and Department of National Defense ay sina AW1C Mylin Estojero, WA1C Zarah S. Francisco, PFC Malou Villanezo-Eslaga, PO3 Jannet Cadayona, SP02 Reynaldo delos Reyes, P/SR Insp. Edwin Serrano, ENSIGN Melchor Sorillano and Rex Pili.

At least for a change, magbabakbakan sila sa kantahan, hindi sa giyera.

AIR FORCE

CHRIS

CHRIS TIU

KATY

NAMAN

PERO

SILA

SINGING STARS

SINGING STARS BATTLE OF THE CHAMPIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with