Mark hindi nagpahuli sa mga beterano

Umaani ng pansin ang pinrodyus, tinampukan bilang artista at dinirek na pelikula ni Cesar Montano na Hitman. Marami sa mga nakapanood na ng rushes nito ay nagsa­sabing maganda ang pe­likula at napaka-maaksiyon. Hindi nasapawan ng mga may malalaking pa­­ngalan na artista, tulad nina Cesar at Phillip Salvador ang kagalingan ng bagong nagkokontrabidang si Mark Herras. Bukod sa natural namang magaling itong umarte ay sinunod lahat ng payo at tip sa kanya ng mga mas senior na co-star niya. Ka­ya ayun naging maganda ang performance niya. 

Pasasalamat usung-uso

Uso ang thanksgiving blowouts ngayon. Ang Munting Heredera din nagpakain sa mga taong kabilang sa produksiyon at maging dun sa nakatulong sa naging tagumpay ng serye na patuloy pa ring umeere. Naimbitahan din kaya nila ang mga dapat imbitahan.Dahil kung hindi may magtatampo din sa kanila.

Ang Enteng Ng Ina Mo kaya magbu-blow out din kaya? Si AiAi delas Alas galante ‘yan, nagbu-blowout talaga pero ‘di naman siya ang major producer ng pelikula. Kaya ligtas siya sa kantiyaw ng lahat pero si bossing Vic hindi.

Akihiro nakakahinayang

Sayang naman kung hindi na babalik ng bansa ang Survivor winner na si Akihiro Sato. Marami pa naman ang naghihintay sa kanya. Dumami ang kanyang fans nang mag-join siya sa reality search ng GMA 7 kung saan ay namalas ang kanyang magandang pag-uugali.

Well, good luck na lang sa kanya. Saan man siya mapunta, sana makakita siya ng magandang kinabukasan.

Show comments