Pampasuwerte sa Year of the Dragon pinasok ni Mother Ricky

MANILA, Philippines - Makulay, maingay at masaya ... ito ang ginagawang paghahanda ng a­ting mga kapatid na Chinese para sa darating na bagong taon sa January 23. Ang Taon ng water Dragon ang ipagdiriwang nila.

Ano ba ang Water Dragon? Masuwerte ba ito sa mga taong ipinanganak sa animal sign na ito? Anong ibang sign ang masuwerte at ano naman ang malas sa taong ito? Tutok lang sa Life and Style with Gandang Ricky Reyes ngayong Sabado 11:00 ng umaga sa GMA news TV 11. May bisitang Feng Shui expert na bihasa sa pagbasa ng ating kapalaran.

 Ipapasyal din tayo sa Binondo, Manila (ang Chinatown sa Pilipinas) kung saan may interbyu si Mader Ricky sa may ari ng Eng Bee Tin Bakery na tinaguriang Mr. Ube at dinarayo ng mahilig sa hopya, tikoy at iba pang pagkain. Papasukin din ng ating host-producer ang tindahang Phoenix Lucky Shop na nabibilhan ng charms, crystals at iba pang agimat na diumano’y panlaban sa masasamang ispirito at nagbibigay ng swerte sa nagsusuot.

 Hindi kumpleto and pagdiriwang kung wala ang mga taong sumasayaw sa daan at nasa loob ng isang dragon. May feature rin ng mga kasapi sa Lion and Dragon Dance group.

At siyempre, mahalaga ring malaman kung anu-anong putahe ang inihahain sa mesa kapag Bagong taon. 

Sa chef ng President Tea house ay malalaman natin ang mga ito. Pati na kung anu-anung prutas at matamis o kusilba ang dapat kainin.

Show comments