Ang ganda ng sinabi ni Phillip Salvador sa dedication ni Cesar Montano sa pelikulang Hitman na showing sa Feb. 22. “Anak” kung ituring ng actor-director ang pelikulang talagang tinutukan sa lahat ng aspeto mula pa lang sa conceptualization, sa script, direction, editing, at pati musical score.
Biro ni Cesar, sana may talent fee siya sa lahat ng trinabaho niya pero puro taya siya.
“Siniguro ko lang na nabayaran ng husto at tama ang cast at crew. May special arrangement naman ako with Boss Vic (del Rosario),” sabi ni Cesar.
Humingi rin ng tulong si Phillip sa press na tulungan ang CM Productions na ma-promote ang pelikula dahil maganda ang objective ni Cesar. Gusto nitong makatulong na muling pasiglahin ang action movie para mabigyan ng trabaho ang mga action stars, stuntmen, at iba pang movie workers na umaasa sa action films.
Samantala, hindi namin natanong si Cesar sa tsikang balak niyang ilipat ng location ang kanilang Bellisimo Restaurant dahil tinaasan sila ng rent. Naghahanap sila ng new location, sa Quezon City pa rin.
Camille tuloy ang pagluluksa
Sa Jan. 23 na ang last taping day ng Munting Heredera at sigurado si Camille Prats na magkakaiyakan sila sa set. Nine months magkakasama sa taping ang cast, naging close sila sa isa’t isa at hindi madali sa kanila ang maghiwa-hiwalay. Nag-crack nga ang boses ng aktres nang pagsalitain para magpasalamat.
Isa sa nabanggit ni Camille ay ang suportang ibinigay ng cast sa nangyari sa asawa niya, naging sandalan niya ang grupo, kaya never niyang makakalimutan.
“I’m so lucky I have Munting Heredera dahil kung wala ito, masisiraan ako ng bait. Naging therapy ko ito at nalalabas ko ang sakit na nararamdaman that time. Sobrang blessing sa akin ang soap,” sabi ni Camille.
Four months pa lang nabibiyuda si Camille. Hindi pa siya nakaka-move on at gusto’y maalala rin ng anak ang ama. Sa birthday ng anak ay pupunta sila sa tomb ng asawa at palalabasing may regalo ito sa kanilang anak. Ganundin ang ginawa nila noong Christmas.
Luis binigyan ng dalawang shows kapalit nang matsutsuging E-Live
Magiging co-host pala ni Sarah Geronimo si Luis Manzano sa Sarah G Live, ang musical show ng singer-actress sa ABS-CBN na airing na sa Feb. 19. Si Gab Valenciano naman ang musical arranger ng show.
Nabalitang si Luis din ang magho-host ng Kapamilya Deal or No Deal, so, ibig sabihin, hindi totoo ang unang tsikang si Vic Sotto ang kinukuha ng ABS-CBN na mag-host ng game show.
May kapalit agad na bagong show si Luis sa mawawalang E-Live na hanggang this month na lang.
Mona Louise ang daming nakolektang regalo sa mga kasamahan sa Munting Heredera
Masayang ipinakita ni Mona Louise Rey, gumaganap na Jennifer sa Munting Heredera, na tumutubo na ang front tooth niya at magkaka-ngipin na uli siya. Nakuwento rin nitong Lassie ang name ng three-month old brown Pomeranian puppy na bigay ni Mark Anthony Fernandez at siya rin ang nagbigay ng name.
Una rito, binigyan na rin ni Mark ng cell phone ang bagets na gumaganap na anak niya sa Munting Heredera na hanggang Feb. 3 na lang. Binigyan din siya ng sari-saring gifts ng mga co-stars na iingatan daw ni Mona Louise.
Naging emosyonal ang child star sa Thanksgiving presscon at pinasalamatan ang lahat na tumulong para magawa niya ang kanyang mga eksena. Wala pang next soap sa GMA 7 ang bagets.
Phillip aktibo sa poker
Na-late si Phillip Salvador sa presscon ng Hitman dahil galing sa presscon ng Celebrity Poker Tournament, first fund-raising event ng Mowelfund for the year. Ang mananalo ay mag-uuwi ng P2 million at imbitado ang professional poker players at aficionados from the entertainment and business sector.
Katulong ng Mowelfund dito ang Midas Touch Poker Sports Club, represented ng president nilang si Atty. Emmanuel Aladin D. Tumanda. Gagawin ang Celebrity Poker Tournament sa Midas Touch Poker Sports Club sa #7 Captain Henry Javier St., Oranbo, Pasig City mula Jan. 24-29.
Ang kikitain sa Celebrity Poker Tournament ay mapupunta sa mga beneficiaries ng Mowelfund at Mowelfund Film Institute. For more details, call Alfie Macadangdang at 727-1961, 727-1915, local 219 at 0927-9443696.