Kinumpirma ng isang close kay Akihiro Sato na hindi na babalik sa Pilipinas ang model-actor dahil susubukan nito ang kapalaran sa ibang bansa.
Ikinalungkot ng mga Pinoy fans ni Akihiro ang desisyon na mag-goodbye Philippines. Ang buong akala nila, ang ating bansa ang itinuturing ni Aki bilang second home.
Bumalik sa Brazil si Aki para bantayan ang kanyang ama na may sakit. Ang pag-uwi niya sa sariling bansa ang nagbigay sa kanya ng idea na huwag nang bumalik sa Pilipinas at hanapin ang suwerte sa ibang lugar.
David Archuleta makiki-mall show na
Hindi dapat mawalan ng hope ang fans ni Akihiro dahil posibleng magbago ang kanyang isip.
Ilang foreign artists na ba ang nawili sa Pilipinas, bumalik sa kanilang bansa pero nag-I shall return sa ating bayan dahil na-miss nila ang magagandang ugali ng mga Pinoy?
Nariyan sina Dayanara Torres, Keith Martin, David Pomeranz, David Archuleta, etc.?
Teka, bago ko makalimutan, may mall show ngayong hapon sa SM Fairview sina David, Jasmine Curtis Smith, at Eula Caballero.
Magsisimula ng 1:00 p.m. ang mall show at magtatagal ito hanggang 4:00 p.m. Mag-expect tayo na maraming fans ni David ang susugod sa SM Fairview dahil ito ang bihirang pagkakataon na makikita nila ng personal ang kanilang hinahangaan na American Idol star.
Ang mall show nina David, Eula, at Jasmine sa SM Fairview ay bahagi ng promo ng Nandito Ako, ang kanilang coming soon teleserye sa TV5.
Network war hindi uso sa binyag ng anak nina Ogie at Regine
Bukas ang Catholic baptism ng anak nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Hindi ko na sasabihin ang pangalan ng simbahan na pagdarausan ng binyag ni Baby Nate para hindi ito dumugin ng fans na gustong makita ang bagets, ang kanyang mga sikat na magulang at mga ninong at ninang.
Pumayag sina Regine at Ogie na i-cover ng mga TV networks ang binyag ng anak. Natuwa ang mga TV crews ng ABS-CBN at TV5 dahil kahit mga contract stars ng GMA 7 ang mag-asawa, binigyan sila ng permiso na makunan ang mahalagang okasyon. Hindi uso sa mag-dyowa ang network war!
Regine tuwing alas-kuwatro ng madaling araw ang padede sa anak
Nagugutom tuwing alas-kuwatro ng madaling-araw si Nate kaya hitsurang inaantok pa si Regine, gumigising na ito para padedehin ang bagets.
Pina-practice ni Regine ang breast feeding para makasiguro siya na magiging healthy ang kanyang anak. Dapat gayahin si Regine ng mga nanay na walang panahon na i-breast feed ang mga sanggol na anak dahil priority nila ang magtrabaho.
Ibang-iba ang sustansiya na naibibigay ng gatas ng ina sa mga sanggol. Nakakabilib ang mga nanay na katulad ni Regine dahil sa pagmamahal na ipinakikita sa kanyang anak.