Lovi, makikipagsabayan sa Muziklaban

MANILA, Philippines - Lalo pang magiging kapana-panabik ang Red Horse Muziklaban grand finals dahil makakasama ng rock legends ang aktres at bagong endorser na si Lovi Poe sa January 28 sa Aseana City sa Macapagal Boulevard.  

Ang Kapuso star ang makakapiling nina Pepe Smith, Ely Buendia, Slapshock, Razokrback, Grey­houndz, Kjwan, Wilabaliw, at mga dating Mu­ziklaban champions sa pinakamaingay, pina­ka­malupit at prestihiyosong amateur rock band competition sa Pilipinas.

Ayon kay Lovi, excited na siyang makipag-bonding sa mga fans ng Red Horse sa finals. Mapapanood rin ang mga magagaling na banda na mula sa iba’t ibang lugar. Ang magwawagi ay susunod sa yapak ng 2010 champion Light of Luna ng Cabanatuan.

Ang champion ay makakatanggap rin ng P500,000 tax-free cash prize, recording contract mula sa Red Horse Beer at marami pang papremyo.

Para sa iba pang kaalaman tungkol sa Red Horse Beer Muziklaban, mag-log in sa www. redhorsebeer.com. 

Show comments