^

PSN Showbiz

Gerald wini-wish ni Sarah sa first episode ng Sarah G, Live!

- Veronica R. Samio -

Kapag nagkataon at hindi nakayanan ng kanyang sked na pagsabayin ang tra­baho sa bago niyang show sa ABS-CBN, ang Sarah G, Live! na mayroong slot tuwing Sunday evening at ASAP Rocks, malamang iwan ni Sarah ang ika­lawang programa na ilang taon na rin niyang nilalabasan kasama ang halos lahat ng Kapamilya artists.

Gaya nang titulo ng programa na ang format ay parang isang isang live concert, kakailanganin ni Sa­rah ang mahabang panahon para makapag-rehearse, para pagsa­lang niya ay walang mali. Hindi tulad ng isang taped show na ang mga numbers hangga’t hin­­di niya ito napi-perfect ay puwedeng balik-ba­likan,  pagsalang niya sa isang live program, kapag nagkamali  ay wala nang balikan, kailangang tapusin na niya!

Meron lang problema si Sarah dahil may concert tour siya sa bansa na nasimulan na at ka­ilangan niyang tapusin. Kailangan din niya itong bigyan ng panahon. At ang remedy la­mang ay mag-tape siya pero hindi na niya masusunod ang format ng Sarah G, Live. Baka maging tape as live na ito.

Hindi pa ito pinoproblema ni Sarah ngayon. Kung may dapat mamroblema nito, ito ang produksiyon. Artista lamang siya na kailangang sumunod sa mga mapagkakasunduan nila. Basta ang hiling niya ay maging guest niya sa unang palabas niya si Gerald Anderson, isa sa paborito niyang co-star. Ang friendship nila ay lumalalim na. Ayaw niyang bigyan ng kahulugan ang simpleng pagbibigay nito sa kanya ng Christmas gift pero ayon sa maraming nakakausap niya ay may ibig sabihin ang pagbibigay nito sa kanya ng diamond necklace. Ang mga ganung regalo raw ay ibinibigay lamang ng isang manliligaw pero sinabi naman niyang hindi nanliligaw sa kanya si Gerald. Katulad ng regalo niya rito na isang shirt na ang mom niya ang pumili. Obvious na bukod sa friendship ay wala pa silang espesyal na relasyon ng actor. Kung meron ay baka nasuklian din niya ng isang mas personal na regalo si Gerald na tulad ng ibinigay nito sa kanya, na siya mismo ang bumili at hindi ipinagkatiwala sa ina niya.

“Hindi ko alam kung kailan ako magiging handa para tumanggap uli ng manaliligaw. Love life can wait. Sa ngayon magkaibigan lang talaga kami, pero gusto kong mag-guest siya sa Sarah G, Live! Gusto kong kumanta siya ng live,” sabing excited ng PopPrincess.

Natuloy din ang palaging naka-cancel na tsikahan niya with the press. Nung Pasko pa dapat sila mag-usap-usap pero nangyari lang ito nung Miyerkules ng gabi, sa Imo’s Pansit Malabon, ang bago nilang restoran na pinatatakbo ng kanyang ina at matatagpuan sa Mindanao Ave.

Ang pangalan ng kainan na nagsisilbi ng isa sa pinakamasarap na Pansit Malabon na natikman ng press ay kuha sa pangalan ng kanyang ama. Hindi kalakihan ang lugar, tamang-tama lamang sa mga gustong makatikim ng masarap na pagkain bukod sa ispesyalidad nitong Pansit Malabon.

Inaaayos pa nila sa kasalukuyan ang lugar pero nakapag-soft opening na ito na maganda ang naging pagtanggap ng tao. Kailangan lamang ay ayusin nilang mabuti ang lugar para mabigyan ng sapat na parking space ang mga  kakain sa Imo’s Pansit Malabon.

Dating pelikula ng seiko film nasa Kapamilya gold na

Hindi lamang ang programa nila sa gabi ang patatatagin ng ABS-CBN kundi maging ang sa hapon. Sa ngayon, talagang mahirap nang pantayan ang na­­kalinyang programa ng Kapamilya Network.Ma­­­daragdagan pa ito ng isang isang remake ng isang magandang pelikula na ginawa noon ng Sei­ko Films, ang Mundo Man ay Magunaw na mag­­tatampok sa isang bagong kumbinasyon ng mga artista tulad nila Empress Schuck, Nikki Gil, Ejay Falcon, Sylvia Sanchez, Allan Paule, Pinky Ama­dor, Jason Gainza, Dianne Medina, Alex Cas­tro,Tessie Tomas, at Eula Valdez.

Mapapanood ang Mundo Man ay Magunaw simula Jan. 30, araw-araw sa Kapamilya Gold, sa direksiyon nina Jeffrey Jetturian at Retchie del Carmen.

Jason Abalos hindi totoong inayawan noon ng ex-manager ni Maja, si Carlo Aquino ang tinutulan

Hindi naman si Jason Abalos ang inayawan ng dating manager ni Maja Salvador nun na ma­ka­relas­yon niya kundi si Carlo Aquino. At ang tinutulan lang niya kay Carlo ay ang pagiging matinik daw nito sa chicks. Takot siyang paiyakin lang nito ang alaga niya. Feeling ni Chit Ramos, mas magiging safe si Maja kay Jason, dahil mabait ito, tahimik, nakatapos ng pag-aaral at nag-iisang anak na lalaki. Siyempre ma­hal ito ng kanyang pamilya, siyempre mamahalin din nila si Maja. Sila Jason at Maja nga ang na­ging mag-on pero laking pagtataka niya nang hindi nagtagal ang kanilang relasyon. Sasandali lamang ito nag­tagal.

So hindi totoong naging hadlang ang dating manager ng aktres sa pakikipagrelasyon  nito sa katulad niya ay baguhan ding  actor. 

vuukle comment

CARLO AQUINO

ISANG

MAJA

NIYA

PANSIT MALABON

SARAH G

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with