Mukhang boto na, Mommy at Daddy ni Sarah may regalo rin kay Gerald!
Kung may regalo si Gerald Anderson na tiffany necklace kay Sarah Geronimo at maging sa parents niyang sina Divine at Delfin (na hindi nabanggit kung ano), may regalo rin naman ang daddy at mommy ng singer-actress kay Gerald. Isang wood curving na gawa ni Mang Delfin. Yup, you read it right.
Maayos daw kasing tumuloy sa kanilang bahay ang aktor kaya maayos din nilang tinanggap nang magdala ito ng regalo sa kanilang dalaga sabi ng haligi ng pamilya. Personal daw kasi nitong dinala ang tiffany necklace na Christmas gift niya sa singer actress sa kanilang bahay sa Quezon City. December 24 daw ‘yun, medyo late na at kasamang dumating ng aktor ang isa niyang kaibigan.
“Sabi ko nga po sa kanya, bakit kailangan pa niyang dalhin. Puwede naman niyang ibigay na lang pag nagkita kami sa ASAP,” sabi ni Sarah sa isang tsikahan last Wednesday night.
So dumating daw ang aktor dala ang regalo. “Aalis din kasi kami nun. Papunta kami ng Paris nila mommy,” Sarah added. Sa Paris kasi pala nag-aaral ang isang niyang sister na si Sunshine. Two weeks ang itinagal nila sa Paris at doon na sila inabot ng New Year. Naiwan sa bansa ang daddy at isa niyang brother.
So boto ba si Daddy Delfin kay Gerald? “Basta magalang na pumupunta sa bahay, wala namang problema sa amin,” sagot ng ama ng pop princess.
Cesar tinamaan sa kaibuturan nang makipag-love scene kay Sam Pinto
May after shock na naramdaman si Cesar Montano sa grabeng lovescene nila ni Sam Pinto sa pelikula nilang Hitman na pinagbibidahan nila together with Phillip Salvador and Mark Herras.
Pumasok daw sa kanyang kaibuturan. Wala lang nabanggit kung saan kaibuturan, kung sa puso o laman.
Pero wala naman daw negative reactions si Mrs. Montano (Sunshine Cruz) sa nasabing mga eksena dahil alam naman nito na trabaho lang ‘yun.
Kahit si Kuya Ipe na kasama nga sa pelikula ay nagsabi na kakaiba ang naging epekto kay Cesar nang pakikipag-lovescene kay Sam. Natulala raw ito. “Ang ganda-ganda kasi ni Sam,” sabi naman agad ni Cesar.
May pagka-Sunshine kasi ang hitsura ni Sam kaya siguro ganun.
Showing na sa February 22 ang Hitman na si Cesar din ang director at producer and distributed by Viva Films.
Anyway, nabanggit nga pala ni Cesar na freelancer na rin siya ngayon, puwede na siyang mag-trabaho kahit saan. Obviously, hindi natuloy ang pirmahan ng bagong kontrata sa pagitan nila ng GMA 7.
Inamin niyang puwedeng mapunta siya sa TV5 although meron naman siyang offer sa ABS-CBN na teleserye na bida sina John Lloyd Cruz and Bea Alonzo pero hindi pa niya tinatanggap.
P-noy at PM ng Thailand mina-match
“Came from Malacañang. Lunch for Thai Prime Minister Yingluck Shinawatra. She’s tall & slim & attractive! 44 yrs old, bagay for PNoy!” tweet kahapon ni Kris Aquino.
Hmmm, puwede kayang maging sila P-Noy at ang PM Yingluck?
Actually hindi ito ang first time na nili-link ang dalawang leader ng bansa. Sa ASEAN Summit na ginanap sa Bali, Indonesia, mina-match na sila. In fact, parati raw nakasunod ang ating pangulo at super alalay kay Madam noon.
Ayon sa isang source sa Malacañang, hindi raw umuupo si P-Noy hangga’t hindi umuupo si PM Yingluck sa nasabing summit.
Wow, baka naman ito na ang hinahanap na babae ng pangulo ng ating bansa.
Babae sa Septic tank bagsak sa Oscars
Bad news. Hindi raw nakapasok sa short list ng Best Foreign Language category ng Oscar Awards ang Ang Babae sa Septic Tank.
Kasama sa pinagpipilian ng mga hurado ang : Bullhead (Belgium), Monsieur Lazhar (Canada), SuperClasico (Denmark), Pina (Germany), A Separation (Iran), Footnote (Israel), Omar Killed Me (Morocco), In Darkness (Poland) at Warriors of the Rainbow: Seediq Bale (Taiwan).
- Latest