Laplapan pinadagdagan!

Pinag-usapan kahapon sa presscon ng Hitman ang kissing scene nina Cesar Montano at Sam Pinto.

Si Cesar ang bida, director, at co-producer ng Hitman. Co-producer din si Boss Vic del Rosario ng pelikula at siya ang nag-request na dagdagan ang eksena ng halikan nina Cesar at Sam.

Mark magaling sa action

Starring din sa Hitman si Mark Herras. Ayaw ikuwento ni Mark ang role niya sa pelikula or else, mawawala ang sorpresa.

Napansin ko ang pamumula ng mukha ni Mark nang purihin ni Cesar ang kanyang performance sa Hitman. Ang say ni Cesar, mapapansin ng mga movie­goers ang acting ni Mark at tiyak na madadagdagan ang mga movie projects nito.

Phillip may K makialam

Umapir din si Phillip Salvador sa presscon ng Hitman dahil siya ang gumaganap na kontrabida ni Cesar sa pelikula.

Nagbiro si Cesar na dalawa ang kanyang assistant director sa Hitman dahil tumutulong si Ipe sa pag-motivate sa ibang mga artista ng pelikula.

May karapatan si Ipe na pakialaman ang acting ng kanyang mga co-stars dahil multi-awarded actor siya. Ang mga kapwa artista niya ang makikinabang sa pointers na ibinibigay ni Ipe.

Shalani memorized ang Kahit Maputi na...

Ang Kahit Maputi na ang Buhok Ko ang theme song nina Shalani Soledad at Congressman Roman Romulo.

Memorized na memorized na ni Shalani ang hit song na remake ni Sharon Cuneta.

Kita n’yo naman, kinanta pa nina Shalani at Papa Roman ang Kahit Maputi na ang Buhok Ko sa pre-wedding reception nila sa Manila Polo Club noong Martes.

Knowing Shalani, excited na siya sa big day nila ni Papa Roman sa Jan. 22.

Ang dami-daming mangya­yari sa showbiz sa Linggo dahil ito ang araw ng concert ni Katy Perry sa SM Mall of Asia Concert Grounds at ang araw ng binyag kay Nate, ang panganay na anak nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Ito rin siyempre ang araw ng kasal nina Roman at Shalani.

Mga sikat na personalidad ang mga ninong at ninang ng lucky bagets na two months old pa lang pero marunong nang bumirit dahil namana niya ang magandang boses ng kanyang mga magulang.

Happy birthday Nanette

Happy birthday today kay Nanette Medved! Good health at more datung ang birthday wish ko sa aking alaga na mega successful dahil may mabait at responsible na asawa at mga cute na anak.

Dalawa na ang anak ni Nanette at ng kanyang asawa na si Chris Po. Parehong lalaki ang mga bagets na super smart.

Happy birthday, Nanette!

Mahirap magpanggap na aktres

Nakatanggap ako ng phone call mula sa production staff ng My Kontrabida Girl na nagtatanong kung puwede uli ako na mag-shooting dahil dinagdagan ang eksena ko.

‘Day, tumanggi na ako. Tama na ang isang araw na nagpanggap ako bilang aktres. Baka mamaya, ma-take 4 na naman ako gaya nang nangyari nang mag-shooting ako noong Lunes.

Enough na ang kahihiyan na ibinigay ko sa direktor at production crew. Babawi na lang ako sa pamamagitan ng madalas na reminder sa madlang-bayan na showing sa mga sinehan sa Feb. 29 ang magandang pelikula ng GMA Films!

Show comments